Mawawala ho talaga RiaMark feels nyo sa next chap, pasensya na. Sana magustuhan nyo guys!
Mark on the multimedia! :-)
Riane's POV
"Hindi mo nga ba kilala si Julia?" tanong ko kay Ariana. Hindi naman sa hindi ko sya pinagkakatiwalaan o ano. Gusto ko kasing malaman kung kilala nya nga si Julia o hindi. Di ko alam, para bang may naguudyok sakin na itanong yun sakanya. Nabakas naman ng gulat sa mukha nya pero unti-unti itong napalitan ng malamig ma expresyon sa mukha nya.
"Joyce. I'm sorry." tugon nya na ikinagulat ko. Bakit sya nagso-"sorry"?
"Ha? Ano ba Ariana? Di kita naiintindihan eh." sabi ko sakanya. Napabuntong hininga sya at tumango. Saglit. Di ko na alam kung anong nangyayari sakanya.
"Joyce. Oo. Kilala ko si Julia dati pa." sabi nya. Kilala nya? Paano? Saan sila nagkakilala? Bakit di nya sinabi agad sa akin? Bakit sya nagsinungaling sakin dati? Yan ang mga tanong na pumapaikot sa isip ko.
"Joyce. Please listen. Sana maintindihan mo lahat ng sasabihin ko." pakiusap nya. Wala na yata ako sa pagiisip ko at napatango nalang ako sa pakiusap nya.
"Joyce. Dati kong schoolmate si Julia. Di kami magkaibigan pero kilala namin ang isa't isa. Nakilala ko sya dahil sya ang dahilan kung bakit nakipagbreak yung boyfriend ng classmate ko.Paano? Nilandi nya. At eto namang gagong lalaki na to, nagpalandi naman. Sya yung kilalang bitch sa campus. Pero mas maayos-ayos naman yung ugali ni Julia dati. Hindi sya kasi nagbabait-baitan tulad ng ginagawa nya ngayon. Pero sabi nila, may dahilan kung bakit sya ganoon."
Napakunot naman ang noo ko. Dahilan? Dahilan kung bat sya ganoon?
"Bata pa lang si Julia, iniwan na sya ng tatay nya. Pinili ng tatay nya na piliin yung pangalawa nyang pamilya kaysa sa pamilya nya kay Julia. Sa murang edad, alam na nya lahat ng nangyayari sa mundong ginagalawan nya. At yun. Kaya sya naghihiganti. Naghihiganti sya doon sa mga lalaking may gusto sakanya or sa mga lalaki, to be general. At, sa kasamaang palad, nakasama si Mark."
"H-ha? Anong kasama si Mark?" tanong ko. Naguguluhan na ko. Sa sobrang dami nang nalaman ko, di ko na sya halos maiprocess sa utak ko.
"Pinaglalaruan nya lang si Mark, Joyce. Lahat nang pinapakita nyang affection kay Mark, parte ng plano nya yun."
"Eh kung si Mark lang pala, bakit kasama ako sa mga pinag-gagawa nya?" tanong ko muli.
"Yun ang hindi ko alam, Joyce. Mataba utak nung babaeng yun pagdating sa mga plano. Basta, magiingat ka, Riane. Di ko talaga alam ko kung bakit parang ang sama ng loob nya sayo." sabi nya habang umiiling-iling.
"Pero, Ariana. Bakit ka nagsinungaling sakin dati?" tanong ko. Napabuntong hininga naman sya at tumingin sa mga mata ko.
"Joyce. Alam kong mabait kang tao at baka di ka lang maniwala sa akin kung sasabihin ko. Dati din naman nung tinanong mo iyon, gusto ko din namang ma-assure na tama yung ibibigay kong balita. At di ko sya sinabi kasi, ayokong sabihin mo kay Mark." sabi nya. Shet, di na yata kinakaya ng utak ko lahat ng nalalaman ko ngayon. "Pag sinabi mo iyan kay Mark, tingin mo ba maniniwala sya? Baka yan pa maging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan nyo." sabi nya. "Ariana, bestfriend nya ko. Maniniwala sya sakin kaysa sa babaeng nakilala lang nya ng ilang buwan. Dapat sinabi mo na lang agad."
"Joyce. Hindi mo alam kung gaano kalakas mangimpluwensya si Julia sa isang tao. Naalala mo ba nung di na sya naniwala na di ikaw yung may kasalanan kung bakit nagkaganon yung kamay ni Julia? Pinaniwalaan nya si Julia, Joyce. Doon palang, Joyce, di ka na nya pinaniwalaan, dito pa kaya?" sabi nya sakin.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."