Riane and Ariana (new character) on the multimedia! :)
Riane's POV
Hay. Kapagod maging part ng dance club. Pero wala, ginusto ko to kaya dapat panindigan mo. Sasayawin kase namin ang "Dumb Dumb" ng Red Velvet. Medyo intense yung dance number. Yung iba kase nadadalian kase alam na daw nila, kpop fan kase. Eh ako, wala eh. Di ako fangirl ng kahit ano maliban sa JaDine. (A/N ilalabas ko na naman ang feels ko AHAHAHAHA.)
Nasa first half palang kami ng sayaw, pero pagod na pagod na ako. Kung tutuusin, madali lang naman talaga pero pauulitin ka nang pauulitin hanggang sa maperfect nyo na. Tapos dapat energy daw. Sinong di mapapagod doon?
"Gusto mo?" alok saken ng isang babae dun na kabilang din sa dance club. Inalok nya ko Gatorade. Wahh. Kailangan na kailangan ko ngayon ng Gatorade. Ayoko kase ng tubig lang, gusto ko may lasa. Pag naman juice, matamis. Nawawalan ako ng energy. Kaya Gatorade or Pocari Sweat ang iniinom ko. Arte ko diba?
"Salamat." kuha ko sabay ngiti. Ang ganda nung babae, nagmukha akong patatas.
"Anong pangalan mo?" tanong nya sabay ngiti sakin.
"Riane Joyce Vargas. Call me Riane na lang." sabi ko saka inabot yung kamay ko sakanya.
"Ah. Ariana Brittany Aquino. Call me Ariana na lang." sabi nya at inabot din ang kamay nya at nagshake hands kami. "Matagal ka na ba sa dance club?" tanong nya. "Uhm, since grade 9, member na ko ng dance club. New member ka diba? Ngayon lang kasi kita nakita."
"Ah. Oo. Grade 11 din ako pero transferee. Hindi na kasi tumatanggap ng grade 11&12 students sa school ko." sabi nya saka ngumiti. Napa-"ah" naman ako sa sinabi nya.
"Ano palang section mo?" tanong ko sakanya. "11-Elegance. Ikaw?" tanong nya pabalik. "11-Love." sagot ko at uminom ng gatorade na binigay nya.
Binuksan ko naman yung phone ko para tignan kung may messages at para tignan na din yung oras. Ilang minutes nalang, matatapos na yung practice.
"Sorry feeling close pero sino yang kasama mo sa wallpaper sa phone mo?" tanong nya. Napansin pala nya. Wallpaper ko kasi yung magkasama kami ni Mark. Kinuha namin tong selfie na to nung summer.
"Ah. Bestfriend ko. Mark James Tolentino pangalan." sabi ko at ngumiti. "May feelings ka para sakanya?" tanong nya. Napatango naman ako nang wala sa oras kaya sinabunutan ko yung sarili ko. Hay nako Riane! Ang daldal!
"Hahahaha. Okay lang to naman. Advice ko lang, wag mo nang palalimin yang nararamdaman mo kasi masasaktan ka lang. Advice lang naman." sabi nya.
Ilang minuto lang ay dinismiss na din kami ni Ms. Jane, dance instructor namin. Natapos na ang practice namin. Nakakapagod ah. First part palang naaccomplish namin ng lagay na yan. Papalabas na sana ako ng practice room nang tinanong ako ni Ariana kung pwede daw ba kaming magkaibigan, syempre um-oo ako. Magandang bagay na yung madaming friends!
Makapunta na nga sa cafeteria, at syempre para makakain na. Bibilisan ko lang pagkain kasi may klase pa. Kahit naman excused kami doon ay kahit na!
Mark's POV
Nandito paren ako sa cafeteria. Inannounce kase na wala yung teacher namin. Kasama ko paren tong si Clarence, at aaminin ko naging close na kami. Iba parin talaga kapag lalaki ang kausap mo. May mga bagay kase syempre na talagang di maiintindihan ni Riane.
Kung tingin nyo na nakalimutan ko na si Julia, nagkakamali kayo. Di ko paren sya makalimutan. Ang dyosa nya kase. Sya yung mga tipo kong babae. Yung mga mukhang inosente, at tahimik. Balak ko syempreng dumamoves na din sakanya, di ko lang alam kung paano at kailan.
Natigil ako sa pagiisip kay Julia nang sumigaw si Clarence.
"Si Riane oh!" turo ni Clarence sa may pinto. At ayun, si Riane nga. Nakaponytail sya at suot nya ang suot ng mga dancers ng dance club pag practice.
Tinaas ko yung kamay ko para makita nya ko at nakita naman nya ko. Umupo na sya dun sa isang vacant seat at nagtanong. "Wala bang klase o nagcutting ka?" tanong nya. Grabe naman, cutting agad. "Inannounce na walang klase oy! Makahusga na nagcutting eh." sabi ko naman. "Eh kaya ko nga tinanong muna diba, hilo ka ba." sabi nya. Nabara na naman ako.
"Ms. VP, ano ba kakainin mo? Ako na lang bibili." volunteer ni Clarence. "Sige. Mango shake, dalawang orders ng fries, at bbq with rice." sabi nya naman at inabot yung pera. Tumakbo naman si Clarence para makabili agad.
Nagtake a nap na lang si Riane sa sobrang pagod sguro. Kaya ayokong sumali sa clubs eh. Kaso additional points daw yun sabi nya. At dancing is her passion. Pinoke ko sya kase may sasabihin ako. Kailangan syempre tong malaman ni Riane kase bespren ko sya.
"Hmm?" sagot naman nya nung pinoke ko sya.
"Riane, may crush na ko." pagamin ko. Namumula na yata ako dito. Ang bakla. Tch. Eto ba talaga ang dulot ng pagibig sa tao? Nakita ko naman na napa-angat sya ng ulo bigla.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfic[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."