Teaser poster nila yan. Nandyan sina Sapphire, Sophia, Ariana, Ializa at Riane :))))))))
Riane's POV
Nandito ako sa bahay at nakauniform ako. Bakit? Kase di kami papapasukin pag di uniform yung suot at nandoon kase yung damit ko so ayun hehehe.
Kinakabahan talaga ako para mamaya. Sino ba kaseng di kakabahan kung ang grupo nya ang rerepresenta sa buong school?! Nako. Kung ikaw ang nasa kalagayan ko mararamdaman mo din tong may paru-paro sa tyan mo na lumilipad na tila mga dalagang bukid ay charot ahahaha. Naging makata na si author.
Sumasayaw ako ngayon sa salamin sa kwarto ko. Mga 3 beses ko na din tong pinapractice pero kinakabahan parin alaga ako. Pano pag nakalimutan ko bigla? Eh di mapapahiya buong school? Drop na dis.
Nasa bridge part na ko ng kanta ngayon at nararamdaman ko na naman ang pananakit ng kasu-kasuan ko. Oo. Nilagyan ko muna ng salonpas pero walang epek huhuhu :c.
Natapos na ang kanta at humiga muna ako. Nakakapagod talagang sumayaw pero nageenjoy din naman kase ako kaya parang wala na din yung iniinda kong saket.
Memory full na pala tong phone ko. Makapagdelete nga muna ng mga selfie ng mga kaibigan ko. Selfie kase ng selfie tas ipapaupload sayo shet kayo magupload nito, di ako proud sa mukha ninyo :c.
Habang nagdidelete ako kasalukuyan ng mga pictures, nahagip ng mata ko ang picture naming dalawa ni Mark. Napaisip na naman ako kung pupuntahan ba talaga nya ako? Hindi. Oo, Riane, tama. Think positive. Isipin mo pupuntahan ka nya tama. Wag kang tanga Riane pupunta yun. Sino bang gago ang uunahin ang pagibig kaysa kaibigan diba? Tama.
"Hoy RJ. Tumayo ka nga dyan at aalis na tayo. Aayusan ka pa nga pala. Kahit naman ayusan ka edi ganon pa din naman." sabi ni kuya. Ikaw talaga kuya, di mo pa aminin na talagang maganda ako? Nahihiya ka pa edi kasingkapal naman ng mukha mo ang libag mo jk. Hahaha.
"Bakit? Maganda padin n-"
"Hindi. Mukha ka paring pagong." putol saken ng kuya kong napakaliit naman. Hays. Kuya talaga kung di lang talaga kita kapatid, naputol ko na balls mo. Ugh.
Bumaba na ako at lumabas ng bahay. Nga pala, manonood daw si kuya doon. Wala daw syang tiwala kay Mark na pupunta yun para panoorin ako kaya pupunta na din daw sya. Ang caring ng kapatid ko no? Pero sabi ko nga sakanya think positive. Pupunta yung si Mark sa contest ko.
Sumakay na ako at umalis na kami papuntang school. Makapagearphones nga muna.
Clarence's POV
"Oh guys! Gandahan nyo naman yung banner para kay Riane! Vice president natin yan oh! Ayusin mo yan! Hoy mga class officers tumulong kayo tsitsinelasin ko kayo." sigaw ni Angelene ;; ang president namin. Ang harsh ng president namin no? Pero kahit ganyan yan, mahal namin yan hahahaha.
"Clarence, bat pala wala pa si Mark?" tanong saken ni Angelene. Tumingin-tingin ako sa paligid at oo nga, wala pa si Mark. San ba nagpunta yung gagong yun? Akala ko ba squad goals?
"Papunta na rin yun president. Di nya syempre papalampasin na di nya masuportahan si Riane, eh bestfriend nya yun." sabi ko kay Angelene. Naman! Bestfriend yun ni Mark kaya susuportahan nya yun. Nakwento nya din saken na yun na lang daw ang magiging "bawi" or "apology" nya kay Riane kaya imposibleng di pupunta yun.
"Ah. Sige. Patahimikin mo muna yung iba na wala namang ginagawa, wala na ngang ginagawa, pagkaingay-ingay pa. Punyeta." utos saken ni Angelene. Malutong din magmura yang si president, minsan nga isisigaw nya yun kapag maingay kami eh hahaha.
"Yes president!" tugon ko naman.
Lumabas muna ako ng classroom para sitahin yung mga kaklase kong nasa labas at nagtatakbuhan."Hoy! Pumasok nga kayo!" sabi ko. Kahit barkada ko yan, sinisita ko na din yan minsan, ang iingay kase eh.

BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."