Riane and Mark on the multimedia. :)))))
Clarence's POV
Puno ako ng pagkadismaya sa narinig kong balita ngayon. Humingi daw ng tawad si Riane kay Julia. Iniisip pa ba nya ang mga ginagawa nya?! Di ba nya maisip na sinasakripisyo na nya ang dignidad nya para sa isang lalaking bulag naman sa katotohanan?! Ganon ba talaga kahalaga sakanya si Mark?
Gumagawa kami ng paraan ni Ariana para protektahan sya. Protektahan sya na di sya masaktan. Pero sya lang din naman ang gumagawa ng dahilan para saktan ang sarili nya.
Pinapahalagahan nya yung tao na di naman sya pinapahalagahan. Manhid ba sya at di nya maisip yung mararamdaman ko? Umamin na ko't lahat pero ano? Wala parin ba talaga?
"Lalim na naman iniisip mo." puna saken ni Ariana dito sa bench. Kinwento ko kasi yung nangyari kay Riane at Mark at pati sya, nagulat at nadismaya.
"Iniisip ko kasi si Riane." pagamin ko. Napansin ko naman na naging malungkot yung mukha nya at nagpeke ng ngiti.
"Gusto mo talaga si Joyce no?" tanong nya sakin. Tumango naman ako bilang tugon sakanya. Napabuntong hininga naman sya sa sinabi ko. "Di ka ba nasasaktan sa nangyayari at ginagawa ni Joyce para kay Mark?" tanong nya na ikinabuntong hininga ko ulit. Nasasaktan na nga ba ko? Pero bakit kase kahit nasasaktan ako, tuloy lang ako sakanya? "Di mo naman kailangang sagutin. Kita ko na sa mga mata mo yung sagot." sabi nya at ngumiti. Ngumiti lang din ako pabalik sakanya. Nagkaroon nang panandaliang katahimikan sa lugar na nandito kami.
"Halika na. Uwi na tayo. Hatid na kita." pagaaya ko. Tumango naman sya at tumayo na kami para makapunta sa sasakyan ko at maihatid ko na sya.
Habang naglalakad kami, di ko mapigilang tumingin kay Ariana. Bakit kaya di na lang sya yung nagustuhan ko? Halos magkapareho lang din naman si Riane.
Kung pwede lang turuan yung puso ko na si Ariana nalang, ginawa ko na.
Riane's POV
"Sumali ka din pala, Stephanie sa Basketball Girls?" tanong ko sakanya. Kung matatandaan nyo, kasama ko si Stephanie sa dance club namin.
"Yup! Sport ko din kasi ang basketball bukod sa volleyball." tugon naman nya. Halos parehas lang din pala kami ng sports ni Stephanie.
"So, musta na kayo ni Caleb?" tanong ko. In an instant, namula naman sya agad. Tsk. Di ko nga alam kung bat nya nagustuhan si Caleb eh, mukha namang kabayo.
"Okay naman kami and we are chatting naman these past few days. Eh ikaw? Musta na si ilong?" asar nya. Napapokerface naman ako sa tinanong nya. Tumawa naman sya sa naging response ko. "But I heard you're having a hard time dealing with the girl that he likes. Bitchy ba?" tanong nya ng diretshan. "Hinaan mo nga boses mo, baka marinig ka." warning ko naman sakanya and nagpeace sign lang sya.
"But seriously. Bitchy ba?" tanong nya. Tumango naman ako at napabuntong hininga sya. "Why don't you tell Mark the truth? Para naman malaman nya kung anong klaseng babae ang nagustuhan nya.
"Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Straight tagalog yun, Stephanie!" puri ko sakanya. "Stop changing the topic, Riane. I'm dead serious." sabi nya.
"Fine. Fine. Ewan. Basta kapag kaharap nya ko, ang sama ng ugali eh. Pero pag si Mark ang kasama, akala mo kung sinong anghel." sabi ko. Napailing-iling naman si Stephanie sa sinabi ko.
"Alam mo kung anong pwedeng itawag sakanya?" tanong nya. Umiling-iling naman ako.
"Multitalented bruh." tugon naman nya. Napakunot naman noo ko sa sinabi nya. "Ugh. Riane, why are you such a slowpoke. Multitalented sya kasi ang dami nyang attitudes na kopyahin. Kaya nyang magpakaplastik, magpakabitch and whatsoever. What a talented lady!" sarkastiko nyang sabi. Napabuntong hininga naman ako at ngumiti lang sya saken.
"Riane! Start na daw nung tryouts!" sigaw saken ni Mark. Nang marinig namin yun, agad-agad naman kaming tumakbo papunta sa gitna ng court to start the tryouts.
Isa-isa kaming pinalinya sa gitna at pinashoot ng bola. May mga babaeng nakashoot ng bola at halata mong sport talaga nila. May mga babae namang ang ganda na nung posture tapos nakajersey pa, di naman maishoot, at mayroon namang mga babaeng mga pabebe na nagtryout, memasport lang.
Turn na pala ni Stephanie na magshoot. Dinidribble na nya yung bola at nakagame face sya. Nung inihagis na nya yung bola, SHOOT!
"Naks naman! Galing talaga!" sigaw ng isang lalaki sa mga nanonood. Tumingin ako doon sa direksyon nung lalaki, at nakita kong si Caleb pala yung lalaking sumigaw. Tumingin naman ako kay Stephanie at nakita ko syang namumula. Pinigil ko na lang yung tawa ko dahil baka batukan ako ni Stephanie.
Turn ko na, na ishoot yung bola. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ayoko kayang mapahiya.
Dinribble ko na yung bola. Napagtanto ko pa na ang taas nung ring. O sadyang maliit lang ako?
Dinribble ko na yung bola at huminga ng malalim. Tinignan ko yung ring at pinwesto ko na yung bola.
'GO RIANE! KAYA MO YAN! MAHAL KITA!'
Tinignan ko kung sinong nagsabi nun at napangiti ako nung nakita ko sya. Shinoot ko na yung bola.
"WOOOOO! GALING TALAGA NI CRUSH!"
"YUN OH! DAIG KA PA SHAWN!"
"GALING MO TALAGA RJ!"
At nashoot sya! Ang sayaaaa! Umalis na ko doon sa pwesto ko at nagulat nalang ako nang bigla nya kong yakapin.
"Hoy Mark. A-ano b-ba!" sabi ko sakanya pero mas hinigpitan nya lang yung yakap nya sakin. Niyakap ko nalang din sya. Nakakahiya kaya! Ang baho ko tas yayakapin nya ko, major turn off yun!
Pero, di ko na lang din sya tinigilan sa kung ano yung ginagawa namin ngayon. Gumagaan na yung pakiramdam ko nung niyakap nya ko kahit ang bilis ng tibok ng puso ko. The feeling is unexplainable, really.
Julia's POV
"Julia oh. Look at them! Ang sweet!" paasar na asar sakin ni Trisha. We are watching them from afar right now. Nagyayakapan pa talaga sila sa basketball court ha! Wow! Amazing!
"I think kailangan ko na namang mag-generate ng plan." sabi ko sakanya. Napataas naman sya ng kilay at napangiti. "I can smell war." tukso nya. I smirked at her and said "Ienjoy lang ni Riane kung anong nangyayari sakanila ni Mark ngayon. "Because the end of their friendship is near." sambit ko at umalis.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."