Mawawala na nga ba ang RiaMark feels nyo dito? 😭😂
Riane on the multimedia!
Riane's POV
"Mark, may sasabihin ako sayo." sabi ko habang naglalakad kami papauwi. Tinitigan nya ko sa mata at nagtanong. "Ano yun?" tanong nya. Huminga muna ko ng malalim. Riane, tama. Kailangan mo nang sabihin. Ayaw mo namang magmukhang tanga bestfriend mo diba?
"Wait, Riane. Doon tayo sa park magusap." yaya nya. Dumiretso kami doon sa park at sakto na kaming dalawa lang ang tao doon. Pero dahil sa walang tao doon maliban samin, mas kinabahan pa ako sa pwedeng mangyari.
"Mark. Yung sasabihin ko ay tungkol kay Julia." pagamin ko. Agad naman syang napatingin ng seryoso sakin, senyales na interesado sya sa sasabihin ko. "Mark. Please. Kung ayaw mong masaktan, layuan mo si Julia." pakiusap ko sakanya. Agad namang napakunot ang noo nya sa narinig nya. "Bat ko naman lalayuan si Julia eh mahal ko yung tao?" seryoso nyang saad.
Nasaktan ako sa sinabi nya na mahal nya si Julia. Oo, sinasabihan ako ni Mark ng "I love you" pero bilang kaibigan at wala kang makikitang pagmamahal sa mata nya. Pero nung sinabi nya na mahal nya si Julia, nakita ko sa mata nya, yung sincerity ng pagkakasabi nya.
"Mark. Hindi mo alam kung anong klaseng tao si Julia. Mabait sya sa harapan mo pero kabaliktaran yung pinapakita nya na ugali sakin, Mark. Ibang-iba. Pinaglalaruan ka lang nya, Mark! Naghihiganti sya sa mga tulad mo dahil niloko siya ng tatay nya. Yung nangyari sa kamay nya? Sya ang may gawa nun, Mark. Gawa sya ng gawa ng plano para masiraan ako sayo. Sinungaling sya! Mark maniwala ka naman saki-"
"ANO BA RIANE YANG MGA PINAGSASABI MO!" sigaw nya sakin na pumutol na mismo sa sasabihin ko. Nagulat ako dahil hindi ko inaasang sisigawan nya ko dahil lang sa babaeng yun. "Mark. Nagbubulag-bulagan ka sa katotohanan. Di ka nya mahal. Pinaglalaruan ka lang nya." sabi ko nang may malambot na tono ng pananalita. Napahilamos na lang sya sa mukha nya. Nararamdaman ko na din na umiinit na yung pisngi ko. Hindi, Riane. Magpakatatag ka please.
"Riane. You changed." sabi nya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. "Riane. Alam kong minsan napipili ko si Julia kaysa sayo pero hindi mo naman sya kailangang siraan." sabi nya. Pumatak na yung luha na pinipigilan ko kanina pa. "Riane. Ganyan ka na ba? Naninira ka na ng ibang tao para lang makuha mo yung gusto mo?" tanong nya. Tulo na ng tulo yung luha ko. "SUMAGOT KA RIANE! GANYAN KA NA BA HA?!?!" sigaw nya nang matindi sakin saka tumayo.
"Mark. Totoo yung sinasabi ko. Bat ayaw mong maniwala? Pinaniniwalaan mo na ba yang Julia na yan na nakilala mo lang ng ilang buwan kaysa sakin na nakilala mo ng ilang taon?" tanong ko sakanya. "Kasi alam kong mabait si Julia!" sigaw nya muli sakin. Tulo na ng tulo yung luha ko kahit anong gawin kong pigil.
"Mark, layuan mo sya dahil ayaw kitang nasasaktan eh. Ayokong isang araw, iiyak ka dahil sakanya." pakiusap ko sakanya. Napahilamos na naman sya ng mukha nya sa sinabi ko.
"Riane, sino ka ba sa buhay ko para pagsabihan ako na layuan ko si Julia? Bestfriend ka lang, Riane. Bestfriend! Hindi kita nanay, o kamag-anak. Bestfriend lang! Kaya please lang, lumugar ka kung saan ka nararapat at umakto ka na bestfriend lang talaga! Hindi yung pinapakialaman mo yung buhay ko! Riane, malaki na ko!" sigaw nya. Tumulo ng tumulo yung luha ko sa sinabi nyang yun. Oo nga pala. Bestfriend nga lang pala ako. Bat akong umaakto nang ganoon?
"Riane. Bestfriend lang kita at di mo kailangang pakialaman lahat ng tungkol sa buhay ko. Riane, wag kang mangialam kasi bestfriend ka lang. " sabi nya saka umalis sa harapan ko, iniwan akong umiiyak at nasasaktan.
Oo nga pala no. Bestfriend lang nga pala ako. Bat ba ko nanghihimasok ng buhay nya? Bat ko ba pinapakialaman kung masasaktan sya? Riane. Nasaktan ako sa mga sinabi nya. Tama si Ariana. Malakas ang impluwensya ni Julia sa mga taong nakikilala nya.
Iyak lang ako ng iyak dahil sa nangyari. Riane, magpakatatag ka lang, papansinin ka nyan ulit bukas, Riane. Tama. Bigyan mo lang ng pagkain yan, ookay na kayo. Tama. Riane, isip ka lang ng maganda.
Pero hindi. The more na iniisip ko yung mga ganon, mas lalo akong naiiyak. Hindi ko alam na hahantong kami sa ganito. Ayokong umiyak dahil baka di na naman ako makahinga. Ayoko na. Pinipigilan kong umiyak pero tinatraydor ako ng sarili ko, tulo lang ng tulo yung mga luha ko. Di ba sila napapagod na mahulog?
Dahil sa mga sinabi nyang mga yun, nasaktan ako. Napagtanto ko na bestfriend lang naman ako kaya wala akong karapatang manghimasok sa personal nyang buhay.
Ano nga ba trabaho ko? Magbigay ng payo, tulungan syang magmoveon kung nasaktan sya, samahan sya sa lahat ng bagay, suportahan sya sa mga desisyon na gagawin nya at hindi ang manghimasok sa personal nyang buhay.
Unti-unti na kong naglakad papauwi, iyak parin ako ng iyak. Nararamdaman ko na nga na unti-unti nang sumisikip dibdib ko kaya pinilit kong kumalma. Di daw pwede sakin masyadong maistress o malungkot dahil makakaramdam ako ng ganito ; paninikip ng dibdib hanggang sa di na ko makahinga.
Pero bakit kasi ganon? Gusto ko lang makatulong. Ayoko syang masaktan kaya ang nagiging resulta tuloy, ako ang nasasaktan. Ganto ba parati? Ako na walang ginagawa, ako yung nasasaktan din? Pero bakit si Julia? Puro panloloko at kasamaan ang ginawa nya pero masaya sya. Ang sakit sobra. Nawalan na nga ko ng tatay tapos feeling ko ngayon, mawawalan na din ako ng bestfriend.
Sino pa ba ang mawawala sakin?
Mark's POV
"Ugh! Walang kwenta!" sigaw ko habang sinisipa-sipa yung puno malapit sa bahay namin. Galit na galit ako sa sarili ko dahil sinabi ko yun lahat sakanya. Nawala lang naman ako sa tamang pagiisip dahil kung anu-ano ang sinasabi nya tungkol kay Julia pero hindi ko dapat sinabi yun eh!
Pero bat naman kasi sya gawa ng gawa ng kwento o storya tungkol kay Julia? Porket ba di ko sya pinaniniwalaan? Porket ba di ko na sya masyadong nakakasama, kailangan na nyang siraan si Julia sa harapan ko? Kilala ko si Julia at di nya yun magagawa sakin! Mabait syang tao at alam ko yun.
Ayoko munang makausap si Riane hanggang sa hindi nya binabawi lahat ng kalokohan nyang sinabi kay Julia. Kaya ko namang siguro mabuhay na walang Riane Vargas sa buhay ko. Ayoko na muna talaga syang makausap ngayon.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."