35

2.9K 94 16
                                    

Julia on the multimedia :).

Riane's POV

"Riane. May assignment ka?" kalabit sakin nung isa kong kaklase. Tumango naman ako. "Pwede pakopya?" pakiusap nya. Inabot ko naman sakanya yung assignment ko at ngumiti sya sakin. Nginitian ko na lang din sya. Hay nako. Palibhasa di nagawa assignment eh. Nako nako.

"Crush, may itatanong sana ko sayo." tanong nya. Si Karl pala to. Alam nyo naman kung sino lang tumatawag ng ganyan sakin eh. "Ano yon?" tanong ko naman. "Wag mong ireject ah?" paalala nya. Tumango naman ako at tinitigan sya sa mata. "Pwede pakopya din ako assignment?" sabi nya. Napatawa na lang ako sa sinabi nya at tumango. Nagpasalamat sya at pumunta na kay Kath ; yung humiram din ng assignment ko.

"Riane! May tumatawag sayo dito sa labas!" sigaw ni Angelene. Nagtaka naman ako kung sino. Tumayo ako sa upuan ko at pumunta sa labas. Hinanap ko yung naghahanap sakin at nakita ko si Julia kasama na naman yung kaibigan nyang si Trisha. Ano na naman bang kailangan ng mga babaeng to sakin?

"Ano kailangan nyo?" tanong ko nang may pagkairita sa boses ko. Tinaasan naman ako ng kilay nang dalawa. "Makipagkita ka saming dalawa mamayang uwian." utos nila sakin. "Pano kung ayoko?" tanong ko naman pabalik. "May gagawin kaming masama kay Ariana." panakot nilang dalawa. Napadilat naman yung mga mata ko sa narinig ko.

"Pano mo nakilala si Ariana?" tanong ko. Napatawa naman silang parehas. "Better ask Ariana. Basta. Yung deal ah? Pag di ka pumunta, si Ariana ang madadali. I'm dead serious here, Riane." banta nila sabay alis. Iniwan nila kong naguguluhan. Pano nila nakilala si Ariana? At ano yung sinasabi nila na tanungin ko na lang si Ariana? Magkakilala ba sila?

"Riane. Flag ceremony na. Baba na tayo." sabi sakin ni Shaun. Tumango naman ako at bumaba na din. Di ko parin maalis sa isipan ko yung tanong na ;;

Kilala nga ba ni Ariana si Julia?

(Fast forward ng matindi)

Lunch...

"Riane. Pasok ka sa 2nd round ng tryouts! Mamayang hapon." paalala sakin ni Stephanie nang makita nya ko na naglalakad. Tumango naman ako at ngumiti.

Kailangan ko lang talagang makita si Ariana ngayon. Gusto kong malaman yung totoo. Tinanong ko na sya dati pa kung kilala ba nya si Julia pero hindi ang isinagot nya. Bat ba ko nagpapaniwala doon sa 2 magkaibigan na yun?!

Pero sigurado akong may plano yung dalawa na yun sakin, pero handa naman akong harapin yun. Wag lang madamay si Ariana dito dahil wala syang kasalanan dito.

Julia's POV

Uwian

"Tagal na ah. Nandon lang si Ariana sa labas oh." sabi ni Trisha. Ugh! Nakikipagmatigasan pa yata tong Riane na to. Well, ano bang akala nya? Di ko gagawin to? Says who? I'm Julia. At kapag ako nagsalita, ginagawa ko talaga.

"I'm getting bored. Let's go get Ariana." yaya ko sakanya. She smiled at me at naglakad na para habulin si Ariana.

"Saglit!" sigaw ng isang babae. We looked behind and we saw Riane. We smirked dahil magiging succesful na yata ang plano namin na sirain ang friendship nila ni Mark and my plan will be a success once again.

"Oh. So tumupad ka talaga sa usapan? Aw. What a great friend." asar ni Trisha but si Riane nakapokerface lang talaga. I looked at Trisha and she was really eager to cut Riane's neck right now, pero pinigilan ko sya.

"Bakit nyo ba ko pinapunta dito? Ano bang kailangan nyo?" tanong nya na may tone na nang pagkainis. I raised an eyebrow on her and said. "Gusto mo na ba talagang malaman?" tanong ko. She nodded. Pumunta na kami sa harap nya at sinimulan na syang pahirapan. Sinabunutan ko sya with my other hand dahil injured parin yung isa kong kamay while Trisha is slapping her real hard. Wala kaming narinig na hinaing or sigaw sa kanya. Mas naging furious kami at sinipa-sipa ko sya while Trisha is still slapping her. Walang makakakita samin dito dahil basement to and kaunti lang ang pumupunta dito.

Nilabas ko na lahat ng galit ko sakanya. She's the reason kung bat wala akong tatay for damn sake! Sya ang bunga ng kalandian at kalibugan ng tatay ko with another woman!

While I was thinking of those, mas nagalit ako and I was really eager to make her collapse right now. Kukunin ko na sana yung cutter na nasa bag ko nang...

"You bitch!" sigaw sakin ng isang babae at sinampal ako ng malakas.

Ariana's POV

"Ariana. Pakihanap naman si Riane oh. Magsisimula na yung second round ng tryouts for basketball eh." pakiusap ni Stephanie saken nung nakita nya ko. "Sige sige. Baka cleaners lang yung babaeng yun, wag kang mag-aalala." sabi ko sakanya and ngumiti sya saka pumunta na sa court. Nasan na ba yung babaeng yun?

Nilibot ko yung campus para hanapin sya pero wala akong nakitang bakas ni Riane. Napadpad ako doon sa hagdan pababa ng basement. Di pa ko nakakapunta dito. Uhmmm. Titignan ko lang naman kung anong itsura tas hahanapin ko na ulit si Riane eh. Sorry Stephanie. Hehehe.

Bumaba ako nung basement at may nakita akong familiar na bag. Blue kasi na bag tapos jansport. Tinignan ko yung bag at nakita ko yung bag tag na nakasulat "Riane Vargas". Pumunta pa ko sa kasuluk-sulukan ng basement dahil baka nandoon si Riane nang may naapakan akong panyo. Pinulot ko yung panyo and merong nakaembroidered na initials na "RJV" . Panyo to no Riane. Siguradong nandito talaga sya. Binilisan ko na yung paglalakad ko at nagulat ako sa nakita ko.

Si Riane pinagtutulungan ni Julia at Trisha.

Hahanap pa sana ako ng tyempo para makuha si Riane kaso nakita ko na may hawak na cutter na si Julia. Napatakbo ako ng mabilis at napasigaw ng "You bitch!" sakanya saka sinampal sya. Di na nakapalag si Trisha dahil sa sobrang gulat nya. Tinakbo ko na si Riane at iniwan yung dalawang bitches na yun doon. Namumula na yung mukha ni Riane at gulong-gulo na yung buhok. May mga pasa din akong nakita sa hita at kamay nya. Pero, wala akong nakitang bakas na umiiyak sya.

"Pumunta tayo ng clinic ngayon na. Makita pa yan ng mga yaya mo isumb-"

"Magtapat ka nga sakin Ariana." bigla nyang tanong at tumitig sakin ng seryoso. Napakunot naman ako ng noo sa ginawa nya.

"Hindi mo nga ba kilala si Julia?" tanong nya na ikinagulat ko.

{Happy 4.48k reads guys! May update po ulit bukas bilang pambawi sa mga days na wala akong update bcs of my sched. Abangan nyo ulit bukas! At paalala ; mawawala na ang feels nyo sa RiaMark next chap. :((( loveyah guys! ;))))))))}

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon