Mark on the multimedia! :)
Riane's POV
"Pano pag di ako nakapunta sa contest mo?"
Di ko alam kung anong irereact ko....
Di ko alam pero bat ako nasadaktan?
Nagoover-react na naman yata ako. There is still the word "paano". It means di pa sya sure. Pero he's not going to ask kung wala syang balak na pumunta.
"Riane?" tawag nya saken. May balak nga kaya syang hindi sumipot sa contest ko? Di naman nya kasi tatanungin kung wala diba? Or nagooverreact lang talaga ako?
"Oy Varg-"
"Regarding your question, di naman ako magagalit." sagot ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung sagot na yun. Gusto kong humindi pero ang salitang "oo" ang lumabas sa bibig ko.
Tumingin ako sakanya at ngumiti sya. Umiwas ako ng tingin at nagpatuloy nalang sa pagkain ko.
"What if lang naman yun Riane. Pupunta ko syempre, to talaga. Kainin na natin to, para makauwi na tayo." sabi nya at nagpatuloy sa pagkain. Tumango naman ako sakanya at kumain na.
Kahit sinigurado na nya na makakapunta sya, hindi ko parin maiwasan na mangamba. Nagiging weird na talaga ang nararamdaman ko these past few days.
Mark's POV
Di naman daw pala sya magagalit so siguro nga okay lang sakanya. Di naman sya sguro masasaktan nyan, di naman daw sya magagalit eh.
Sguro nga kailangan kong unahin si Julia this time. Maiintindihan naman siguro ni Riane kung si Julia ang uunahin ko. Alam naman nya siguro kung gaano ko na kamahal si Julia. Alam ko din namang understanding sya eh. Hay salamat, di na ko mamomroblema.
"Riane, uwi na tayo. Gabi na oh." yaya ko. Gabi na din kase. Di ko na yata kailangang maghapunan pauwi dahil nilibre na ko ni Riane.
"H-ha? Sige." nautal nyang sabi. Napansin ko na naman yung lungkot sa mga mata nya. Madalas na tong ganito tapos hindi ko alam kung ano yung dahilan.
Naglakad na kami papauwi at ni isa samin walang nagsasalita. Si Riane kasi palagi yung nagsasalita o nagoopen up pero ngayon, hindi. Tahimik sya tsaka parang ang lalim ng iniisip.
"Riane. Okay ka lang?" tanong ko sabay akbay sakanya. Sanay na naman yan na umaakbay ako kaya di na yan naiilang.
"Ha? Oo. S-sumakit l-lang t-tiyan ko. Tama. Sumakit tyan ko. Hehe." tugon naman nya. Pinat ko naman yung ulo nya. Akala ko naman kung ano. "Mabuti pa, bilisan na natin ang lakad para makapagpahinga ka na." sabi ko at ngumiti naman sya.
Naka-akbay parin ako sakanya ngayon. Kahit sinabi nya na masakit lang yung tyan nya, hindi ko maiwasan na isipin na baka nagkaganyan sya dahil sa tinanong ko. Pero hindi naman sya ganun kababaw at hindi naman sya ganon kadaling masaktan.
"Sige, pasok na ko, Mark. Bye!" sabi nya at pumasok na ng bahay. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa street namin. Nagbye din ako sakanya at umuwi na sa bahay.
Clarence's POV
Nandito kami ngayon sa sasakyan ko at ihahatid ko na tong babaeng to. Masaya palang kasama to, puro kalokohan din. Pero di ko maalis sa isipan ko yung sinabi ni Ariana. Sa totoo lang, matagal na kong may masamang feeling dyan kay Julia. Kaya naman pala. Ganon naman pala. Pero hindi ko nga ba sasabihin kay Mark ang totoo? Pero mas malaking gulo lang naman ang mangyayari kapag sinabi ko agad.
Sa executive village din pala to nakatira pero hindi eto yung village na nakatira si Riane at Mark.
"Asan bahay mo dyan?" tanong ng driver namin. "Liko lang kayo dyan kuya." sabi naman ni Ariana. Mukhang mayaman din pala ang isang to. Kung sabagay, halos lahat naman ng nagaaral sa Starfields ay mayaman.
"Gusto mo ba na magdinner na din sa amin?" tanong naman nya. Gusto ko sanang um-'oo' kaso syempre may kahihiyan pa naman ako at may gagawin din ako paguwi.
"Wag na. Hinahanap na din kase ako panigurado sa amin. Pero thank you na rin." sagot ko naman.
"Ah, sige. Pero, pwede makuha number mo?" tanong nya ng diretsahan. Bat ba ko nahiya bigla? Eh kase naman diretsahan na sinabi ni Ariana sa mukha ko yun. Diba dapat lalaki nagawa nun?
"Ah s-sige. Eto oh." sinave ko na sa phone nya number ko. Di ko namalayan nasa bahay na pala nya kami. Malaki din bahay nila, pero mas malaki yung kina Riane. "Sge, bye, ingat!" paalam nya sa akin habang nakangiti.
Tuluyan na kaming umalis para makauwi at naalala ko na naman yung sinabi ni Ariana tungkol kay Julia. Di ko paren madigest lahat ng yun. Pero hanggang ngayon, umaasa ako na di yun totoo.
Shawn's POV
Nakauwi na si Riane dito at magkasama sila ni Mark. Okay na pala sila eh, masaya na ko dun at di ko na sya nakikitang malungkot. Tch.
Pero kanina, umuwi na naman sya ng may lungkot sa mga mata nya. Bakit na naman kaya? Tch.
"Oy, okay ka lang?" tanong ko sakanya. Nagvivideo game kase ako at nagawa sya ng assignment.
"H-ha? A-ako? Oo. O-okay lang ako." pautal-utal nyang sagot. Tch. Saken ka pa nagsinungaling.
"Ulol ka talaga. Di ka naman okay eh." sagot ko. Namura ko pa tuloy, sanay naman sya dyan.
"Alam mo na palang di ako okay eh nagtatanong ka pa." sagot nya. Ayan. Pati ako binabara nyan. Nakakainis nga eh. Dapat ako nangbabara sa kanya pero ano? Sya yung nangbabara sa akin. Tch.
"Wag ka na ngang mangbara. Kung di ka okay, ano bang problema ng kapatid ko?" tanong ko sabay yakap sa kanya. Bumuntung hininga na lang sya at kumalas sa yakap na ginawa ko.
"Kuya, tingin ko uunahin na naman ni Mark si Julia." sabi nya saken sabay yuko.
"Kuya, bat ba ko nasasaktan? Dati naman, kahit unahin nya yung assignments nya o mga kaibigan nyang lalaki, wala naman sa akin pero bat ngayon, ganito? Ang sakit. Uunahin nya yung babae na wala namang kasiguraduhan na mahal sya kaysa sa babaeng alam nya na mahal na mahal sya? Ganon ba talaga ang mundo?" tanong nya habang may pighati sa boses nya. Halatang nasasaktan sya sa inaasal ni Mark.
"Alam mo kung bat ka nasasaktan? Kase natatakot ka. Natatakot ka na maagaw ng Julia na yan ang atensyon na dapat sayo. At kung hindi man yan ang dahilan, mahal mo na kaya ang best friend mo at di lang "crush" o "paghanga" ang nararamdaman mo?"
"K-kuya, di ko naman s-sya gusto eh." sabi nya at dineny pa talaga nya sakin. Tch.
"RJ, di ako tanga. Nararamdaman ko na gusto mo si Mark dati pa. Pero ngayon na sinabi mo yan, nagtataka ako." sabi ko sakanya.
"Nagtataka ako kung bat ganyan nararamdaman mo eh gusto mo nga lang sya diba? Hindi kaya mahal mo na si Mark James?"
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."