49

3.5K 96 19
                                    

Shawn Harry on the multimedia 😎


Mark's POV

Balita ko, maaga daw papasok si Riane ngayon sa school dahil aasikusahin nila yung clearance namin. Ngayong clearance month, kahit anong oras ka pumasok, okay lang, kaya baka mga 10AM na ko papasok, napagusapan namin yan nina Karl, Shawn, at Clarence. Squad goals daw. Pft.

Nabalitaan ko lang kay Angelene yung maaga silang dalawa papasok. Kaya napagdesisyunan ko na kakausapin ko si kuya Shawn ngayon. Ipagtabuyan, palayasin, bugbugin o kung ano man ang gawin nya, handa naman akong tiisin yun, gusto ko lang talaga syang makausap para sa gagawin kong plano para kay Riane. Ganon din naman kasi yung ginawa ko kay Riane dati kaya kung babalik man yun sakin, karma na lang yun siguro.

Bumaba na ako at nakita ko si manang na nagpapahinga. Lumapit naman agad ako sakanya.

"Manang, pupunta lang ako kina Riane. Mamaya pa kong 10AM papasok." paalam ko. "Sige, MJ. Ingat." sabi nya saka ako lumabas ng bahay. Pumunta na ako agad sa bahay nila. Nagdoorbell ako ng 2 beses saka tumakbo...syempre joke lang. Nagdorbell ako ng 2 beses at naghintay kung may tao na lalabas. Napatingin tuloy ako sa suot ko. Nakamuscle tee lang ako at shorts. Nahiya tuloy ako bigla.

Nakita ko naman na may lumabas na yaya. "Sir Mark, kayo po pala. Hinahanap nyo ba si Mam Riane? Nakapasok na po sya kanina pa eh." sabi nung yaya. Umiling ako. "Hindi yaya. Si kuya Shawn hinahanap ko. Nandyan ba sya sa loob?" tanong ko. Tumango naman siya. "Tanungin ko po muna kung pwede kayong papasukin, pinagbawal po nya kasi kami na papasukin kayo sa bahay."

******

"Ano bang kailangan mo, James? Nung isang gabi, nandito ka din ah. Kahit anong sabihin mo, di ako makakapayag dyan kaya umalis ka na." sabi ni kuya Shawn saka tumalikod at umalis. Nasa pool area kami ngayon. Buti nga at pumayag si kuya Shawn na papasukin man lang ako sa bahay nila.

"Kuya, please. I'm going to do everything para kausapin mo ko. I'm not going to stop hanggang sa kinausap mo ako." sinabi ko. Napa-english tuloy ako bigla. Bigla namang humarap si kuya Shawn at umupo sa upuan. Magkaface to face yung upuan namin ngayon kaya mukha tuloy akong iniinterogate ng pulis. Tch. "Now speak. I'm giving you 11 minutes to talk." sabi nya.

Napalunok naman ako at nagbuntong hininga. "Kuya, I know na galit ka sakin dahil sa nangyari kay Riane. Dahil sakin, nasaktan sya physically and emotionally. Kuya, hindi ko to gagawin dahil sa kailangan ko sya. Hindi ko to gagawin dahil kailangan ko ng tulong nya, pero gagawin ko to dahil kailangan ko ng isang tulad nya sa buhay ko. Kuya, hindi ko alam kung deserve ko ba yung chance na ibibigay nya kung sakali, pero I'm going to prove her na hindi sayang yung chance na ibibigay nya at mo, kuya Shawn. I just dont know. Damn, iba yung nararamdaman ko kapag sya yung kasama ko. Its just-ugh." sabi ko. Napatingin naman ako kay kuya at napangisi sya. May mga ilang minutong katahimikan kung nasaan kami ngayon, mas lalo tuloy akong kinabahan. Kailangan ko talaga ng tulong ni kuya sa gagawin ko.

"So, what can I help you?" tanong nya. Nabigla naman ako.

"Shit, payag kang tulungan ako?" tanong ko. "Hey, don't cuss. Ako lang ang pwede. Pero oo. I want to help you. Alam ko din namang ikaw lang ang magpapasaya kay RJ, yung ibang saya. Alam mo na naman yun siguro diba?" tanong nya. Tumango naman ako. Alam kong yung tungkol sa ibang saya na sinasabi ni kuya.

"Ganto kasi kuya."

****

"Kuya, salamat talaga sa pagtulong. Seryoso. Sana nga mapatawad talaga ko ni Riane." sabi ko. Ngumiti naman sya. "Tch. Yun pa, eh di ka naman matitiis. Hinihintay ka na lang din siguro nun na ikaw ang magsorry." sabi naman ni kuya.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon