12

4.1K 128 94
                                    

Julia on the multimedia! :--))

Julia's POV

Hay. Ang hirap magbait-baitan sa harap ng mga tao lalo na kung hindi ka naman talaga mabait. Pero aaminin ko pogi yung Mark kaya inentertain ko, pero HE IS NOT MY TYPE. Duh. Paasahin ko lang sya then pag nafall na to ng todo, iiwanan ko sa ere. Oo, ganon. Kase nga upgraded version na ko.

Inaaya ko sya na manood ng presentation namin sa Tuesday next week. Makakatanggi ba naman yun? Walang tumatanggi sa isang Julia Lorraine.

Lalandiin ko lang sya ng lalandiin. Pare-pareho lang naman yang mga lalaking yan, puro manloloko. Nagiging ganito ako dahil sa mapait na history sa family ko, at nagagalit ako sa tatay ko. He's a flirt.

Di naman sana ako magkakaganito kung di lang kami iniwan ng tatay ko. Nalandi lang sya ng isang babaeng hipon, hiniwalayan na si mommy? Aba, ang kapal nya. Edi sana dinala ko na lang sya KFC kung ganon, maraming thighs, breasts, at legs dun, yun lang pala gusto nya sa babae eh.

Kaya, I'm here. Nagrerevenge sa mga lalaki na nakakita lang ng maganda, sunggab agad. Alam ko naman kung pano nya ko nagustuhan eh, sa tingin lang, di nga nya ko kilala eh tapos magugustuhan nya ko?

Kaya, gusto kong maparamdam sa mga lalaki ang maiwanan. And sorry Mark, dahil sa kalandian mong taglay, ikaw ang target ko.

Riane's POV

Naging okay na kami ni Mark simula nung mag-apologize sya saken nung gabing yun. Bumabawi naman sya. Nililibre ako ng pagkain, nagiging mabait sya and etc. Kailangan pala magalit ako ganon? Jk. Hahaha.

"Oy Mark. Pumunta ka sa dance club contest ah!" sabi ko. Sa Tuesday na kase yun and kasabay namin ang singing. Makakapunta kaya talaga sya?

"Oo nga! Di ko makakalimutan yun! Papagawa pa ako ng banner, gusto mo?" biro nya.

"Tse! Basta, punta ka." sabi ko. Gumaling na kase yung sprain ko. 2 days lang yata to then magaling na. Lakas ko yata! Haha.

"Si Clarence din pala papuntahin mo!" sabi ko. Naging close na din kami nun.

Mark's POV

"Si Clarence din pala papuntahin mo!" sabi nya. Aba, naging close na yata sila. Hay, bat ba may tutol sa puso ko lagi kapag pinaguusapan si Riane at Clarence? Ang weirdo.

"Opo mam." tugon ko. Under ako dyan kase bumabawi ako. Okay lang din naman eh. Mahal ko kase, bespren ko yata yan!

"Yehet! Labyu!!" sabi nya.

Bat parang may nagreact sa puso ko nung sinabi nyang "Labyu!!" nakakapeste na talaga tong nararamdaman ko. Hindi ko na maintindihan.

Julia's POV

Asan na ba yon? Aba, binibigyan ko na nga ng opportunity na masilayan ako, di pa yata pupunta. Bahala ka.

"Julia!" ayan na pala. Di naman ako matitiis nyan panigurado. Ako nga gusto nya diba.

"Hi!" sabi ko. Mahirap talagang magpanggap na mabait. Nakakainis. Gusto ko sana syang irapan kaso wala eh. Bait mode muna Julia.

"Kailan pala ulet yung contest nyo?" tanong nya sabay upo.

"Sa Tuesday na. Kasabay namin dancing. Baka nga walang manood eh." sabi ko sabay pout. Upgraded na talaga ko. Hindi naman ako mukhang isda tulad ng iba na ang pangit na nga tas magpapout pa, ew. Di bagay.

"A-ah. H-hindi naman. Manonood kaya ako! Icacancel ko lahat ng gagawin ko. Hehe." sabi nya. Corny mo ulol.

"Sige, aasahan ko yan." sabi ko sabay ngiti. Mas bagay saken nangiirap pero para makapagrevenge ako, ngiti ngiti lang muna.

"MEDINA, JULIA LORRAINE. STAGE." sigaw ng instructor ko. Hay salamat. Pagod na kong magbait-baitan. -_-

Mark's POV

Ang gulo! Tuesday din yung kay Riane, Tuesday din yung kay Julia. Nakakainis!!

Ayokong biguin si Julia dahil mahal ko sya. Pero ayaw ko rin naman biguin si Riane dahil bespren ko yun, at naka strike 1 na ko dun. Anong gagawin ko?!

Tinanong ko na ang instructor nila kung anong oras ang contest, 9:00 daw hanggang 10:30. Yung kina Riane naman 9:00-10:45. AISHHHHHHH.

Tama, may kaunting gap pa naman yung contest eh. Uunahin ko muna yung kay Julia.

Baket pa kase nagsabay yung contests na yan?!??

Mahal ko si Julia, and mahal ko din si Riane (as a bespren). Sinong uunahin ko?!

Kung sabagay, si Julia naman naunang magpa-alam saken. Pero tangna, di ko kayang biguin si Riane!!

Nakakagulo ng utak!!!!!

1 hour later....

Umalis na ko. Di na nga ako nagpaalam kay Julia babes eh. Naguguluhan ako. Lumilipad utak ko.

"Mark!" tawag saken ng isang babae. Pamilyar yung boses nya saken. Syempre bespren ko eh.

"Okay ka lang?" tanong nya. Nahahalata nya talaga agad kase pag malungkot ako kung ano.

Niyakap ko sya. Di ko alam. May nagtulak saken na yakapin sya and thats it. Pag niyayakap ko sya,

Feeling ko parang si ate yung kayakap ko.

Riane's POV

Niyakap nya ko all of a sudden. Baket kaya? But kapag ganito, niyayakap ko lang sya pabalik. Kinikilig ako kapag niyayakap nya ko, and feeling ko protected ako whenever he's hugging me. Weird talaga pag nagkakacrush no?

Ramdam ko yung heartbeat nya ngayon, and I can say na ang bilis nung heartbeat nya. Bakit kaya?

Humiwalay na sya dun sa yakap nya saken. Hinawakan nya yung kamay ko.

"Uwi na tayo." sabi nya. Malungkot ang ilong ah. I need to make him happy man lang.

Magkahawak yung kamay namin habang naglalakad. Ewan ko ba dito, hahaha. Pero I must admit, kinikilig ako.

May nakita akong tindahan sa tabi, nagbebenta ng fishball, kikiam, squidball, at kung anu-ano pa. Di ko ineexpect na meron palang ganito sa executive village. Pero sguro bago lang.

Malinis yung pagluluto nila unlike dun sa mga ibang nagtitinda. So, di naman sguro delikado na bumili dito.

"Mark, bili tayo nun!" turo ko. Malay mo kase manlibre.

"Naubos baon ko eh. Sorry." sabi nya. Ang lungkot talaga nito nakakainis.

Buti nalang may natira sa baon kong 350.00. Everyday baon ko to. Hehehe.

"Uy! San ka pupunta? Wala mga kong pera!" sabi nya. Hinihila ko kase sya. Wahaha.

"Tingin mo ba mag-aaya ako kung wala akong pambili?" sabi ko. Napakamot na lang sya ng ulo.

"Ate, 3 order ng kikiam, 3 order ng fishball then 2 order ng kwek-kwek tapos 2 mais con yelo!" sabi ko sabay ngiti. Hahaha. I love streetfoods talaga.

"Sge mam. 160 lahat." sabi nya. Ang mahal din ah. Pero sulit naman. Hehehe.

Umupo muna kami doon sa table. Pangmayaman din pala tong tindahan ng street foods jusko. Hahahaha.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon