30

3.2K 103 34
                                    

Meg (Minju - left ) and Niña (Halla -right ) on the multimedia!

Ariana's POV

"Bat mo ba ko pinapunta dito? Ano yung tungkol kay Riane?" tanong ni Clarence agad pagpunta palang nya dito sa may covered court 3.

"Gusto mo si Joyce diba?" tanong ko ng diretsahan. Napalaki naman yung mga mata nya sa narinig nya. Pano ko nalaman? Eh halata eh.

"Ano namang kinalaman nun sa sasabihin mo?" tanong nya saken. Napabuntong hininga naman ako sakanya.

"Protektahan mo sya please." sabi ko sakanya. Nakakunot naman ang noo ni Clarence sa sinabi ko habang nakatingin lang ako sa mga mata nya.

"Ha? Bat naman?" tanong nya saken.

"Si Julia. Pinapahirapan nya si Joyce. Ewan ko kung anong trip ng babaeng yun pero kanina, sinaktan nya si Joyce. At kilala ko si Julia, may mga karugtong na plano yang babaeng yan. Kaya please, protektahan mo sya." pagpapaliwanag ko. Halata namang nabigla si Clarence sa sinabi ko.

"Bat kase di mo na lang sabihin kay Riane yang nalalaman mo?" tanong nya.

"Sige, pag yun ba sinabi ko, matitigil ba yung plano ni Julia? Mas lalala lang ang sitwasyon. Di mo ko maiintindihan, Clarence." tugon ko. Napatango at napabuntong-hininga na lang si Clarence. Alam kong naguguluhan sya pero di pa nya talaga maiintindihan eh.

"Sige. Salamat Ariana. Salamat sa pagtanggol sa babaeng gusto ko." sabi nya. "Sige, mauna na ko." dagdag nya sabay tapik sa balikat ko. Umalis na din sya sa harapan ko at may naramdaman akong kakaiba. Bat parang nasasaktan ako?

Mark's POV

"Pare, bat nga pala di sumama kahapon?" tanong saken ni Shawn habang nasa cafeteria kami. "Oo nga. Anong emergency ba yun?" dagdag naman ni Karl.

Sabihen ko bang dahil kay Julia yun? Baka naman kasi magalit sila saken eh, sabihen inuuna ko si Julia kaysa Riane.

"Bakit nga ba?" tanong ng isang pamilyar na boses sa likod ko. Paglingon ko, si Riane pala. Pansin ko na parang namumula yung pisngi nya pero di ko nalang pinansin yun.

"A-ano kase. Bigla k-kasing sumakit tyan ko! Oo! Ang biglang sumakit tyan ko kaya umuwi na ako agad. Sorry." palusot ko sakanila. Napailing naman sila sa sinabi ko. Alam ba nila yung totoo kaya ganito ang reaksyon nila? Tinignan ko naman si Riane at tinitignan lang nya ko, tila ba binabasa nya yung mga mata ko.

"Okay. Basta dapat sabihen mo saken yung mga ganon. Bestfriend mo ko, tas di mo sinasabi saken yung ganyan." sabi nya. Nagsisisi tuloy ako na nagsinungaling ako kay Riane. Wala syang kaalam-alam sa nangyayari tas nagsisinungaling pa ako.

"Oo nga, Mark. Dapat sinasabi mo yung TOTOONG nangyayari para di kami nag-aalala." singit ng isang lalaki at si Clarence pala. Pinagdiinan nya yung salitang "totoong" na parang may pinapatamaan sya. Alam ba nya yung totoo?

"Clarence, san ka pala galing? Bat bigla kang umalis?" tanong ni Karl. "May kinausap lang." sabi ni Clarence saka umupo.

"Sige. Una na ko, Mark. Puntahan ko pa sina Meg at Niña." paalam nya at ngumiti saken. Tumango naman ako sakanya at tuluyan na syang umalis.

"Pare. Talaga bang masakit tyan mo kahapon?" tanong ni Karl na parang may pagdududa.

"O-oo nga. Masakit nga yung tyan ko." tugon ko naman. Nakita ko silang nagtinginan sa isa't isa at nagbuntong hininga.

"Sige mga pare. Una na ko. Mangongopya pa ko assignment." paalam ko at tuluyang umalis, iniiwang nandoon sila. Pero ang totoo, medyo awkward yung atmosphere doon kaya umalis na ako. Alam yata nila yung totoo eh pero si Riane yata, hindi.

Habang naglalakad ako papaalis, nakita ko sina Trisha at Julia na pumupunta sa clinic. Umiiyak si Julia nang makita ko sya. Tumakbo ako sa clinic pero di ako pinapasok ng nurse. Nakita ko si Trisha sa labas at nagtanong.

"Trisha. Anong nangyari kay Julia?" tanong ko sakanya. Tumingin naman sya saken ng seryoso at sinabi ;;
"Sisihin mo yung bestfriend mo kung bakit nangyari kay Julia to."

Clarence's POV

Iniwan kami ni Mark dito sa cafeteria na may bakas na pagkadismaya. Alam namin kung bakit sya umalis agad kahapon at dahil yun kay Julia. Dinahilan pa nya yung tyan nya. Sana matuluyan yung gagong yun.

"Di ko aakalain na magsisinungaling sya kay Riane. Tanggap ko kung saten sya nagsinungaling eh, pero kay crush pa talaga? Ang gago pre. Ang gago." reklamo ni Karl. May point naman si Karl. Kay Riane pa sya nagsinungaling, eh halos ilang taon na sila magkaibigan. Si Julia pa talaga ang dahilan kung bat sya nagsinungaling. Tsk.

"So kailangan talaga crush parin tawag kay Riane?" pabiro kong sabi sakanya. "Nasanay nalang ako na yun tawag sakanya tsaka di naman kayo ah! Seloso naman nito." sabi ni Karl. Tinawanan ko na lang si Karl sa inasal nya.

"Alam ba ni Riane yung totoo?" tanong ni Shawn, pagbabalik sa original naming topic.

"Oo, alam nya. Sinabi ko yun bago ako umamin." sagot ko. Napahilamos na lang ng mukha si Karl sa pagkainis.

Natahimik kaming lahat sa lamesang iyon. Nabasag ang katahimikan namin nang may nakita kaming paparating na nurse at spineboard. Sinundan namin ng tingin kung saan papunta yung nurse at nagulat na lang kami ng makita namin kung saan.

"Pare, si Riane!" sigaw ni Karl. Tumakbo kami kung saan naroroon si Riane. Nandoon din si Meg at si Niña na mga kaibigan nya.

Nasa spineboard sya at di sya gumagalaw. Di namin alam kung bakit sya ganon. Nakatulog? Nalason? Nahimatay? Ewan! Di ko alam!

"Niña, anong nangyari kay Riane?!" halos pasigaw na tanong ni Karl.

"Ewan! Nahilo na lang sya bigla. Nagbublurred daw mata nya sabi nya. Di rin daw sya makahinga. Kulay violet na din buong mukha nya! Tas hanggang sa, hanggang sa, nahimatay na sya dyan." paliwanag ni Niña samin. Ano bang nangyari kay Riane? First time nyang maganon ah. Malakas ang katawan nya kase dancer sya.

"Sabihen kaya natin kay Mark yung nangyari?" suhestyon ni Shawn. Tama. Bestfriend nya yun at kilala ng mga parents nya si Mark kaya dapat malaman ni Mark to.

Tumakbo na kami para hanapin si Mark at ikuwento ang nangyari kay Riane. Nang makita namin si Mark, tumakbo kami sakanya at handa na sanang ikuwento ang nangyari kay Riane kaso bigla syang nagsalita at ;;

"Kung tungkol yan kay Riane, di ako interesadong malaman." sabi nya at umalis kasama si Trisha na may ngiti sa mga labi nya. Tama nga yata ang sinasabi ni Ariana. Kailangan kong bantayan ng mabuti si Riane, pero sa ngayon, kailangan ko munang bantayan si Riane ngayon.

Sinundan ko na lang muna yung spineboard na dala si Riane, kailangan ko talaga sya munang bantayan ngayon.







Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon