Karl (Chanyeol) and Shawn (Baekhyun) on the multimedia! :)
Mark's POV
Nandito kami ng squad sa tambayan namin. Nakakamiss yung ganito. Yung tatambay kami dito tuwing lunch at breaks. Masaya ako dahil binigyan nila ulit ako ng pagkakataon na maging kaibigan nila ulit. Tingin ko nga pinatatag lang din nung nangyari yung pagkakaibigan namin nitong tatlo.
At sa tambayan din nato, nalaman ko lahat. Nalaman ko yung katotohanan. Pero sa tingin ko, kailangan ko din namang kalimutan yung nangyari dahil unti-unti ko na din namang naayos yung gulo na ginawa ko.
"Mark! I-dp mo to bili. Mukhang maliit ilong mo dito eh! HAHA." sabi ni Shawn sabay pakita ng picture ko. Pinicturan nila ko habang nagiisip ako kanina. Langya talaga tong mga to.
"Lalim kasi ng iniisip eh, you know. Kasinglalim ng pagmamahal ko kay ano." sabi ni Shawn. Napatingin naman kami sakanya.
"Aba, aba, lumalovelife na ang loko. Sino ba ang lucky guy este girl?"
"Akala ko bakla ka Shawn, yun pala may tinitibok din yang puso mo."
Yan yung naging reaksyon ni Karl at Clarence nung narinig nila yun mula kay Shawn. Habang ako, nakangisi lang ako sakanya. Nawala lang ako saglit, nagkalovelife na.
"Ano ba yan, nahuli ako. Oo na, eto na. Malapit sya kay Riane. Si ano." sabi nya habang namumula. Pinagtawanan namin siya pero tinignan nya kami ng masama kaya nanahimik kami.
"Si ano."
"Sino nga?/Sabihin mo na!/Pabebe!" sigaw naming tatlo sakanya. Napatingin naman sya samin at nagbuntong hininga. "Si Meg. Yung bestfriend ni Riane sa class." sabi nya.
Napanganga kami sa sinabi nya pero pagkatapos, binatukan sya ni Karl. Inasar-asar naman namin sya. Nalaman kasi namin na balak nyang ligawan si Meg. Mas lalo tuloy namin syang inasar, kinikilig pa nga ang gago eh.
"Oh tama na, tama na. Si Shawn, kay Meg. Eh ikaw, Karl? Sino na ba?" tanong ni Clarence sakanya. Napatingin naman kami ni Shawn sakanya. Ang alam kasi namin, si Riane gusto nyan. Lagi nya kasing tinatawag na "crush" si Riane pero simula nung nalaman nya na umamin si Clarence kay Riane, di na namin alam kung anong lovelife nyan.
" Malapit sya kay Meg at Riane." sabi nya, cool pa nga yung pagkakasabi nya eh. Halata mong confident sya. Nagkaron ng ilang segundong katahimikan kasi nagisip kami. Wala kaming maisip kung sino yung tinutukoy nya.
"Mga ugok! Ang slow ng mga utak ninyo! Sino pa bang close kay Riane na close din kay Meg? Edi si N-niña! M-mga ewan eh!" sabi nya. Nautal-utal pa sya doon sa mga sinabi nya. Lakas ng trip nila at talagang mga kaibigan pa talaga ni Riane yung nagustuhan eh. Sinabi din ni Karl na umamin na sya kay Niña pero sabi ni Niña, di pa daw sya handa magkarelasyon. Imbis na masaktan si Karl, balak daw nyang hintayin si Niña hanggang sa handa na si Niña.
"Eh ikaw, Clarence?" tanong ko. Napatingin naman sila saken na tila nabagot sila doon sa tanong ko. Eh malay ko ba! Ilang araw din naman kaming di nagusap.
"Hindi ba halata, Mark?" tanong ni Karl. Umiling-iling ako. Napasapo naman sila sa mga noo nila. Aba'y malay ko ba talaga!
"Edi si Ariana!/Ariana babe!" sigaw nilang sabay ni Karl at Shawn. Nakita ko naman si Clarence na nakangiti saken at tumatango-tango. (A/N Sa mga kpop fans dyan, paalala, si Mark po si Jungkook at si Clarence si Jimin. OMG. MINKOOOOOK OMGGGGG ok nutella tama na. HAHAHAHA.)
"Nung nagaway kasi kayong dalawa ni Riane, lagi kaming magkasama ni Ariana para icomfort si Riane. Doon ko din naramdaman na, kaibigan lang talaga ang turing saken ni Riane at hindi na hihigit pa doon dahil mahal ka nya. Sa mga panahong iyon, doon ko din nararamdaman na may nararamdaman na pala ako para kay Ariana. Hindi ko pa alam kung kailan ko aaminin sakanya pero, ramdam ko din naman na ganon na din nararamdaman nya para saken." seryosong sabi ni Clarence na nagpanganga saming tatlo na nakikinig. Ewan ko ba pero parang may malaking tinik ang nawala sa puso ko nung nalaman ko na si Ariana na ang gusto nya at hindi na si Riane. Ano ba tong nararamdaman ko.

BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."