Trisha and Julia on the multimedia!
Julia's POV
"Hey Julia. Kanina ka pa spaced out. Are you even listening to me?" tanong ni Trisha. I gave her a weak smile as a response. I don't know what's happening to me right now.
Nandito ako sa bahay together with Trisha. Di ako hinatid ni Mark sa bahay dahil sinabi ko na its better if he's going to rest dahil alam kong nasasaktan din sya because of what Riane said a while ago. Well, I can't blame Riane if she feels that way.
"Gosh, Julia. Anong nangyayari sayo? Are you sick? Bat parang ang tamlay mo?" tanong nya. Umiling naman ako and she raised an eyebrow to me.
"Julia. Diba dapat masaya ka dahil your plan was a major success? At ang dapat gawin mo na lang ay idump si Mark and your plan is already done. Eh bat parang namatayan ka dyan?" she asked. Oo nga. My plan was really a success and I should celebrate. Pero bat opposite tong nararamdaman ko? A bitch like me should never feel this way.
"Trisha. To be honest. I really dont know. You're right na, dapat nagcecelebrate ako ngayon pero wala akong nararamdamang happiness. I feel so empty." sabi ko. I heard that she heaved a sigh.
"Yung kanina, nakita ko sa mga mata ni Riane na nasasaktan sya. Pinipigilan nyang wag umiyak sa harapan namin ni Mark. Nakita ko din si Mark na naluluha na. Hindi lang nakikita ni Riane dahil nakatalikod si Mark."
"Yung sinabi nyang mahal nya si Mark, I can see the shock on Mark's eyes na napalingon sya kay Riane all of a sudden. To be honest, di ko alam na mahal na pala ni Riane si Mark."
"When she confessed that she likes Mark, naalala ko yung mga mata ng mom ko nung nakita nya si Dad na kasama yung mother ni Riane. Nakita ko yung pain sa mga mata nya. And alam kong masakit sa part nya yun."
"Nung sinabi nya na ang dad nya ang nagsabi na pahalagahan ang friendship nilang dalawa, that hit me. Muntik na kong maiyak dahil ang sama ko pala but I dont want others to see me cry. Ayoko na makita nila kong nasasaktan."
"Nung umalis si Riane at si Ariana, walang pinapakitang expression si Mark pero you can notice that he is deeply hurt sa nangyari. But yet, he managed to smile at me at naginsist na ihatid ako pero tumanggi ako dahil alam ko na kailangan nyang magpahinga at mapagisa to reflect."
"I know that I'm a bitch and I shouldn't feel this way pero naguguilty ako. I know na ito yung gusto kong mangyari pero now na nangyari na, ayoko na. I regret doing this to Mark. Ang bait nya pero sinaktan ko lang sya. Nagaway yung squad nila dahil sa plan ko, nagaway sila ni Riane dahil sakin and ako na lang yung nasasandalan nya but.."
"Di nya man lang alam na sasaktan ko din sya." sabi ko kay Trisha.
"Look. Julia. May magagawa ka pa. Sabihin mo na agad kay Mark ang totoo. Ang totoo na, fake lang lahat ng affection na pinapakita mo sakanya. Tulungan mo din silang magka-ayos ulit. In that way, mababawasan yung nararamdaman mong guilt." payo nya.
"Pero it will never be easy dahil alam mo naman na mahihirapan kang kunin yung trust nilang dalawa ulit pero gawin mo. After all, Riane is your half sister." sabi nya.
"Pero, pano mo pala sasabihin kay Riane na half sister mo sya?" tanong ni Trisha saken. Napaisip din tuloy ako sa sinabi nya. When am I going to tell Riane the truth na half sister nya ko?
"Kapag maayos na ang lahat. That's the time na sasabihin ko sakanya." I said while smiling.
Mark's POV
"Mark. Kumain ka na." sabi ni manang. Paulit-ulit na nya kong sinasabihan na kumain pero sadyang wala kong gana.
"Manang. Wala po talaga kong gana. Kakainin ko na lang po yan sa umaga. Magpapahinga na po ako." sabi ko. Narinig ko naman na nagbuntong hininga si Manang pero tumango lang sya at niligpit yung pagkain.
Naisipan ko namang magshower muna kaya pumunta na ko sa CR at nagshower.
Habang nagshoshower ako, naisip ko na naman lahat ng sinabi saken ni Riane kanina. Di ko alam na nasasaktan ko na pala si Riane noon pa. Sabi ko pa naman dati, na poprotektahan ko si Riane sa mga nananakit sakanya. Pero, mali ako. Ako pala ang nananakit sakanya at tingin ko kailangan kong umiwas sakanya para di ko na sya masaktan lalo.
"Mahal kita Mark. Hindi bilang kaibigan."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung sinabi nya yan saken. Dapat ba kong matuwa? Dahil gusto nya ko? Dapat ba kong malungkot? Kasi alam kong sa bawat pagpili ko kay Julia at sa bawat oras na magkasama kami ni Julia ay nasasaktan sya?
Pero, ano yung sinasabi ni Ariana na "plano" kay Julia? Ano bang plano iyon? Nung sinabi ni Ariana yun kay Julia ay tumingin ako sakanya at hindi sya makapagsalita. Ano ba iyon?! Naguguluhan na ko sa mga nangyayari!
Mas nilakasan ko pa yung shower at hinayaan na tumulo yung tubig sa katawan ko. (A/N wag nyo nang iimagine, dahil namatay ako nung inimagine ko yan HAHAHA)
Naramdaman ko na parang may tumulo mula sa mga mata ko. Hindi ko alam kung tubig paren ba yun mula sa shower o luha na iyon mula sa mga mata ko.
Dati, nasakin si Riane pero wala si Julia.
Ngayon naman, nasakin nga si Julia, wala naman si Riane.
Hindi ba pwedeng pareho na lang sila na nasa buhay ko?
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."