kuya Shawn on the multimedia! :----)
Shawn's POV
"Riane! Di ka daw masusundo ni Mark ngayon!" sigaw ko sa kapatid ko na nagbibihis sa itaas.
Ako na lang maghahatid sa kapatid kong si Riane. Minsan na lang naman ako maghatid sakanya dahil si Mark naman palagi naghahatid dyan. Lalo na ngayon na, babalik na ko sa ibang bansa para magtrabaho. May job offer kasi sakin doon. Pinagiisipan ko pa naman dahil lumalaki na si Riane at kailangan nya ng gabay pero nandyan nga naman pala si Mark.Nakita ko na bumababa na si Riane. Walang ekspresyon yung mukha nya ngayon. Ano namang nangyari dito?
"Hoy RJ, anong kadramahan yan?" tanong ko at binatukan sya. Tumingin naman sya sa mata ko at tinaasan lang ako ng kilay. Pero may napansin ako.
"Hoy RJ, bat namamaga mata mo? Mukha kang umiyak." puna ko sakanya. Nagulat naman sya at umiwas ng tingin. "Wala yan, k-kuya. Naiyak ako sa pinanood ko kagabi." sabi nya.
"Halika na kuya. Baka malate pa ko." sabi nya. Hinawakan ko namam yung kamay nya at hinarap sya sakin. "Bat kagabi, di kayo sabay ni Mark umuwi? Dati naman, hanggang gate ka nya hinahatid ah." puna ko muli. "P-pinauna ko kuya. N-natatae kasi hehe." sabi nya. Ngumiti naman sya at tinaas-taas yung kilay nya sakin. "Halika na nga kuya! Bagal mo eh." yaya nya at tumakbo na papalabas. Sinundan ko nalang sya dahil napansin kong mag-aalas siyete na din pala.
Binuksan ko agad yung makina ng sasakyan at sumakay na si Riane sa loob. Sumakay na din ako at nagmaneho na papunta sa school nya.
"RJ. Balak ko palang bumalik sa ibang bansa." paalam ko sakanya. Nakita ko naman yung mga mata nyang naguguluhan sa sinabi ko. "Akala ko ba dito ka na?" tanong nya. Napabuntong hininga naman ako. "RJ, may job offer kasi sakin sa ibang bansa. Sayang naman na nagaral ako doon diba kung dito lang ako magtatrabaho. Mamimiss mo lang ako eh." asar ko sakanya. Narinig ko naman syang huminga ng malalim.
"Kuya naman. Lumalaki na ko. Ikaw na nga lang kasama ko sa bahay eh. Si mommy halos di na nauwi dahil sa trabaho nya. Tas ikaw din. Sinong magbabantay sakin? Mga yaya nalang ba parati?" tanong nya ng seryosohan. Naiintindihan ko naman sya. Halos lumaki sya na puro yaya lang ang parating nagaalaga sakanya.
"Nandyan naman bestfriend mo na si Mark eh. Alagang-alaga ka naman nun eh." sabi ko sakanya. Nakita ko naman na nagearphones sya at sumandal sa upuan. Napabuntong hininga na lang ako. Ayokong iwan si Riane dito pero sayang yung trabaho eh.
Hays. Ano bang gagawin ko.
Riane's POV
Muntik nang malaman ni kuya na umiyak ako dahil sa nangyari kagabi samin ni Mark. Buti nalang at nakakapagpalusot naman ako agad at kinagat naman ni kuya yung mga palusot ko, kasi kung hindi? Nako. Baka nabugbog na ni kuya si Mark.
First time kong pumasok ng school na hindi ko sya kasabay. I feel like I'm unsafe. Feeling ko di ako safe everytime na wala sya. Pero siguro kasi nasanay na ko na lagi syang nasa tabi ko kaya ko ganto.
Tumigil muna ko sa paglalakad dahil parang may biglang kumagat sa binti ko. Ano ba yan, Riane. Porket wala lang si Mark, kung anu-ano na nangyayari sayo. Maglalakad na sana ako ulit nang makita ko si Julia at Mark na magkasama. Ang galing naman. Parang wala lang nangyari saming dalawa kagabi. Kung sabagay, bestfriend nga lang daw kasi ako, ano nga ba namang karapatan ko?
Nakita ako ni Julia at ngumisi sya sakin. Masaya na ba sya at nagtatagumpay ang plano nya? Di ko alam na mayroon palang babaeng kagaya nya.
"Hey Riane!" sigaw saken. Si Stephanie pala. "Bakit di ka sumama sa 2nd round ng tryouts? I've been looking for you everywhere yesterday pero nakauwi ka na yata." sabi nya. Oo nga pala. May 2nd round ng tryouts sa basketball kahapon. Di ako nakapunta dahil doon sa ginawa ni Julia at Trisha.
"Sorry. May tinapos akong project kahapon, mas importante yun kaysa sa tryouts, to be honest." sabi ko. Napatango nalang sya sa sinabi ko at sumama na kay Caleb. Nako, buti pa lovelife nya, may progress. Ano ba tong iniisip ko.
Naglakad na ko papunta ng classroom. Maya-maya pa, nakarating na ko sa classroom.
"Riane! Congrats!" sabi ni Angelene saken. Kumunot naman yung noo ko sa sinabi nya. "Di mo ba naview yung grades mo sa portal?" tanong nya. Ay oo nga pala! Viewing na nga pala ng grades kahapon. Umiling ako. Hinila nya ko sa bulletin board para mapatignan yung mga kasama sa awardees at kasama ako.
"Naks naman Riane! Highest sya!" tukso nila saken. Tinignan ko yun at nagulat pa ko sa average ko. Pasok yun sa highest. Napangiti naman ako dahil nagpay off lahat ng efforts ko this quarter. "Naks. 94.69%! Idol!" tukso pa nila. Lumayo na ko doon at umupo na ko sa pwesto ko.
Nakita ko naman na kakarating lang ni Mark. Siguro hinatid pa nya si Julia sa 11I. Hays. Kung alam lang nya talaga, ay hindi. Kung naniwala lang talaga sya. Hanggang ngayon kasi, nagbubulag-bulagan pa rin sya.
"Hoy Tolentino! Galing ng bespren mo oh! 94.69! Icongrats mo naman!" asar ng mga iba kong kaklase. "Bat kailangan ako? Pabayaan mo yan." sabi nya sabay walkout. Nagkaroon naman ng panandaliang katahimikan sa classroom dahil sa ginawa nya. Lumabas ako ng classroom para sundan sya.
Tumakbo ako at hinila sya papaharap. "Ano na naman ba Riane?!" tanong nya nang may tono ng pagkainis.
"Hanggang ngayon ba naman? Hindi ka maniniwala sa sasahihin ko? Mas paniniwalaan mo parin ba sya ha?!" tanong ko sakanya. Umiinit na naman yung pisngi ko, naiiyak na naman yata ako. Hindi pwede, Riane. Hindi pwede.
"Oo! Paniniwalaan ko sya, Riane! Dahil alam kong puro kasinungalingan lang yang lumalabas sa bibig mo! Bakit ba kasi di mo matanggap na sya na ang pinipili ko imbis na ikaw? Bestfriend ka lang naman Riane!" sigaw nya na nakapukaw ng atensyon ng karamihan. Nagwalkout sya at bumalik sa classroom, iniiwan akong nakangiti ng mapait sa mga sinabi nya. So, ano bang sinasabi nya? Liar ako ganon? Hindi ba nya kasi maintindihan na niloloko lang naman sya ni Julia? Bat kasi di nya kaya alamin ang totoong nangyayari imbis na sabihen yun sakin? Di ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon. Basta ang alam ko na lang, umiiyak na naman ako.
{happy 4.97k reads! HAHA pag naka-5k to, maguupdate ulit ako. sorry guys, pero I really suck at writing these kind of scenarios. hahahaha. tumitindi na yung scenes at nagsisilabasan na yung mga silent readers! HAHA yayyy! next update will be tomorrow or on sunday. depende kung makaka-5k to. HAHAHA. bye guys! thank you and ilavyah! :*}
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfiction[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."