22

4.4K 131 60
                                    

Cat ears na may leopard print yung nasa multimedia. Find out kung anong connect nyan sa chapter today :))

Riane's POV

"Thank you pala Mark sa fries na bitbit mo! Malaking tulong ito sa ekonomiya ng bansa." pasasalamat ko kay Mark dahil binigyan nga ako ng 2 BFF Fries. Buti nalang at nanalo ako kasi kung hindi, di nya daw ito bibigay saken. Hmp!

"Alam mo baka magkacancer ka na nyan kakakain mo nyan." paala nya. Hays. Ang KJ naman ng mga tao to. Eto na nga lang luho ko eh. Di ako tulad ng mga babae na kung anu-anong kaartehan ang luho at ang pinagbibili. Pagkain lang s4p4tcxz n4!

"Handa naman kasi akong masaktan para sa mahal ko." pahugot kong biro sakanya. Napakunot noo naman sya sa sinabi ko habang kumakain lang ako ng kumakain. Naging tahimik tuloy ang paligid dahil sa sinabi ko.

"Riane. May crush ka na ba? Imposible naman kasi na wala. Grade 11 na tayo oh! Ay pwede pala kung tibo ka." pabiro nyang sabi. Napaubo tuloy ako. Ako, tibo? Palibhasa di nya lang alam na gusto ko sya! Hmp!

"Ako, tibo? Mababawasan ang mga magaganda kapag nagkataon yun. Crush? Alangan! Di ko lang nakukwento kasi lagi kang wala." sabi ko. Pinalungkot ko yung boses ko para maawa sya. Di ko lang naman nakukwento sakanya kasi sya naman talaga yun.

"Oh? Sino? Magkwento ka naman habang nasa byahe pa tayo." sabi naman nya. Nasa byahe kami ngayon papuntang Star City. Masyado kasing malayo pag Enchanted Kingdom kaya Star City nalang. Kami lang ding dalawa ang pupunta doon. Libre din ni kuya Shawn para daw makapagbonding kami ulit dalawa. Umoo naman agad si Mark dahil matagal na din daw kami di nakakapagbonding kasama. Yieeee. Kilig ako :---)

"Pogi sya. Matalino? Pwede na." sabi ko sabay tawa pero pinigilan ko agad iyon dahil seryoso si Mark. Nakakatakot naman tong si daddy. Jk. (A/N daddy kookie? EMEGED DADDY KOOKIE ♡♡ fave kong story yan sa wattpad basahin nyo :-) by jiminism)

"Okay seryoso na. Uhm. Nognog?" sabi ko naman.

"Oh tapos?"

"Pandak."

"Sige pa."

"Madami nang nagawa."

"Oh sige pa, wag mo na kasi biti-SI BINAY YAN AH?!" huli na mangrealize nya. Alangan namang magkagusto ako sa ganon? Tanga din nito eh.

"Riane naman. Seryoso na, idescribe mo sya." pakiusap nya saken. Matatanggihan ko pa ba to?

"Pogi sya. Di sya matalino pero may utak naman. Mabait sya. Caring. Yun. Crush lang naman yun. Wala na kong balak palalimin." sagot ko. Napatingin naman sa taas si Mark na tila nagiisip kung sino. Ang tanga din nito ah! Di ba nya mahalata na sya yun?

"Hays ayokong magisip. Ienjoy lang natin tong araw na to." sabi nya sabay pat sa ulo ko at ngumiti. Bat ba ko kinikilig eh normal lang naman namin tong ginagawa?

"Matutulog muna ko Mark. Inaantok ako kanina pa. Asan na yung neck pillow ko na kulay pink na may design ni Pooh na kita yung tiyan at kasama si Piglet?" tanong ko. Bigla naman syang napatawa di ko alam kung bakit.

"Wala yung neck pillow mo dito eh. Sandal ka na lang saken oh." sabi nya habang tinatapik yung balikat nya. Bat ba ko naiilang eh normal lang naman na gawin to ng magbestfriend?

Di na lang ako naging pabebe at sumandal agad sa balikat nya. Minake sure ko muna na komportable ako sa pwesto ko bago ako matulog. Nung okay na yung pwesto ko, natulog na ako.

Mark's POV

Nandito na kami sa may MOA at papunta na ng Star City. Sabi nga ni kuya Shawn, hindi daw pwede na magpagabi kami dahil may pasok pa kami bukas. Sana wala na lang pasok bukas para hanggang gabi kami dito.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon