45

4.1K 108 46
                                    

Guys, para malaman nyo naman kung sino si Blake, si Blake po ay yung nasa multimedia. :)))))

Mark's POV

"Mark, all of those affection that I gave you, lahat ng sweet words na sinabi ko sayo, everything that I did and I said is just a part of my plan. Wala akong sinabi na totoo. All of those are lies."

"Mark, all of those affection that I gave you, lahat ng sweet words na sinabi ko sayo, everything that I did and I said is just a part of my plan. Wala akong sinabi na totoo. All of those are lies."

"Mark, all of those affection that I gave you, lahat ng sweet words na sinabi ko sayo, everything that I did and I said is just a part of my plan. Wala akong sinabi na totoo. All of those are lies."

Echo ng echo yung boses nya habang sinasabi yang mga katagang yan. Habang binibitawan nya yang mga salitang yan, para bang gusto ko na lang mahimatay. Nanghina bigla yung tuhod ko at nagtubig yung mga mata ko. Ang daming tanong na pumaikot sa isip ko nung narinig ko yun, di ko alam kung anong sasabihin ko sakanya, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Basta ang sumagi ko lang sa isip nun, mali. Maling-mali yung desisyon kong pagpili sakanya.

Naglalakad ako ngayon papauwi. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, di ko na yata kayang umiyak. Pag iiyak ako, walang luhang lumalabas. Kaya eto ako, di ko man lang mailabas yung sakit na nararamdaman ko.

Habang papauwi ako, nadaanan ko na naman yung park. Yung park kung saan sinabi ni Riane lahat, pero hindi ako naniwala. Sinigawan ko pa sya nun dahil sinisiraan nya si Julia. Pero hindi pala. Tama lahat ng sinabi nyang yun. Kung naniwala ako, edi sana kahit nasasaktan ako, merong Riane na magpapasaya sakin at merong squad na magpapagaan ng loob ko. Pero hindi. Nagpabulag ako sa katotohanan. Pinili kong maniwala kay Julia, kaya eto ako. Nasaktan na nga, wala pang kaibigan. May mas lalala pa ba dito?

Umupo ako sa bench doon. Hindi parin ako makapaniwala na kasinungalingan lang pala lahat ng pinakita nya. Hindi ako galit sakanya. Galit ako sa sarili ko kasi naniwala ako sa lahat ng iyon. Kasi kung di ako naniwala, edi hindi ako ganto. Di naman nya kasalanan kung nawala lahat ng kaibigan ko eh, kasalanan ko. Kasi kung di ako nagpakatanga, edi sana di ako ganito.

Naiinis ako sa sarili ko kasi di ko man lang naipagtanggol si Riane nung sinasaktan sya nina Trisha at Julia. Yung mga pasa palang yun, sina Trisha at Julia pala ang gumawa nun. Pero ang di ko magets, bat nila kailangang idamay si Riane?

"Masyadong confidential."

Yan lang ang sinagot nya sakin. Anong confidential? Ano yun?!?! Tangina, naiirita ako kasi dinamay pa si Riane! Tapos di ko man lang alam! Wala man lang akong nagawa para ipagtanggol sya! Wala!

Sa sobrang inis, galit, lungkot, at sakit na nararamdaman ko, tumulo na ang luha ko. Tulo lang ng tulo yung mga luha ko. Hindi ko na alam gagawin ko.

Naalala ko yung mga times na nasprain si Riane, tapos hindi ako naniwala at inuna ko si Julia. Yung totoong nagmamahal sakin? Ayun, pinabayaan ako. Habang yung minamahal ko pero niloloko palang ako, pinili ko pa.

Yung time na nahimatay si Riane, pero inuna ko si Julia na nabubog lang yung kamay. Mas inintindi ko pa nun si Julia dahil nga akala ko, si Riane ang may gawa nun kay Julia kaya nagalit ako. Pero kung tutuusin, mas malala yung kalagayan ni Riane kaysa kay Julia.

Yung time na, sinamahan ko si Julia sa mall at ipinagpaliban ko ang pagsama kay Riane sa pagbili ng materials para sa project namin. Nagsinungaling pa ko nun sakanya dahil sinabi kong sumakit yung tyan ko pero ang totoo, sinamahan ko lang naman si Julia.

At yung mga times na nagawa ko yung mga bagay na di ko pa nagagawa sakanya, pero dahil kay Julia nagawa ko.

Madami akong nagawang kagaguhan kay Riane para lang kay Julia. Pero handa akong gawin ang lahat, maibalik lang yung pagkakaibigan naming dalawa. Alam ko din namang nasasaktan at nahihirapan sya ngayon dahil sa kalagayan namin kaya gagawin ko to. At ngayon ko lang napagtanto na di ko kaya na walang Riane sa buhay ko.

Bestfriend Lang Naman AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon