Riane's POV
Tinext ko na si Angelene na hindi ako makakapasok ngayong araw. Wednesday na kasi ngayon at ngayon na ang uwi ni mommy mula sa ibang bansa. Dapat talaga next week pa, pero nirequest ni mama na ngayong week na daw sya uuwi. Medyo madaming appointments na din kasi ang nakaschedule sakanya. Iniisip ko nga kung paano kami makakapagbonding nina mama kung ganyan eh.Nandito ako ngayon sa sala at nagbabasa ng libro. Nagsuot lang ako ng plain top ako at nagshorts. Naka-Nike Roshe lang din ako na binili ni kuya para sakin last month. Hinihintay ko si kuya na matapos magbihis at aalis na kami. Pinili naming mapa-aga ang alis namin dahil paniguradong traffic ngayon. Mga 10AM ang arrival ni mama, 8AM na ngayon. Balak naming magbreakfast na lang sa labas dahil natanghali kami ng gising.
Habang hinihintay ko si kuya na bumaba, bigla namang nagring yung telepono. Sinara ko nama yung libro na binabasa ko at sinagot yung tawag.
[Good morning. Riane Vargas here.]
[Ay hi po, mam Riane. Si Ciarah po ito. Secretary po ni mam Rialin.]
[Ah, ikaw pala. Bakit ka napatawag?]
[Meron po kasing gustong makausap si mam Vargas, urgent po yata dahil pangalawang beses na po nyang tumatawag dito. Pwede po bang pakisabi ito kay mam?]
[Ah, sure. Ano bang name?]
[Mam Jelina Medina daw po.]
[Ah, sige. Sabihin ko nalang kay mommy. Thank you.]
Pagkatapos nun ay narinig ko ang pagbaba ng telepono nya. Jelina Medina daw? Pamilyar sakin ang sername na Medina, nakalimutan ko lang kung saan ko narinig ang pangalan na iyon. Inalis ko na lang iyon sa isipan ko at umupo ulit sa sofa para magpatuloy sa binabasa ko. Sasabihin ko na lang kay kuya.
Nakita ko naman na bumaba na si kuya. Napatayo na ko sa sofa at kinuha yung phone ko na nagchacharge kasalukuyan. "Ready na ba RJ?" tanong ni kuya. Tumango naman ako. "Yes, kuya. Ilagay ko lang tong libro sa library." paalam ko. Tumango naman sya at lumabas na ng bahay habang papunta ko sa library.
Yes, may mini library ako. Mini lang naman talaga sya, pero may table at chair din sya kung san pwede akong magbasa. Nilagay ko naman yung libro doon sa kung saan talaga sya nakalagay. Habang nilalagay ko yung libro, bigla namang nahulog yung isang picture. Medyo pamilyar sakin yung lalaki sa picture, kukuhanin ko na sana yung picture nang.
"Mam Riane! Hinahanap na po kayo ni Sir Shawn!" sigaw ni yaya sa labas. Nilagay ko yung picture na iyon sa table ko saka lumabas. Titignan ko na lang siguro iyon paguwi. Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa sasakyan.
"Kuya, tumawag si ate Ciarah, secretary ni mama." sabi ko. "May gustong kumausap daw kay mama, mukhang urgent dahil pangalawang beses na daw syang tumawag. Jelina Medina ang pangalan." kwento ko. "Parang pamilyar nga yung sername eh, di ko lang maalala kung sino ang may gaanong apelyido." sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Lang Naman Ako
Fanfic[BTS JUNGKOOK FF] [_friestastic_ 2015] [COMPLETED] "Eh ano bang magagawa ko, eh bestfriend lang naman ako."