TWO*

6.7K 63 3
                                    

Two*


AISHA's POV

Asan na ba yung Black dorm na iyon? Alam niyo bang dalawang oras ko nang hinahanap iyon. At sa dalawang oras na iyon ay nalibot ko na ata ang buong campus! Grabe lang ee! Nakita ko na rin yung Eight Dorms pa na iba. At napahanga ako sa ganda ng mga Dorms na iyon. Talagang magaganda sila lalo na yung white dorm. Hmm.. kung magaganda sila, ibig sabihin panget ang Black dorm? Wala talaga ito sa brochure e.

Naninikip na naman ang dibdib ko sa sobrang pagod.. Paano lakad dyan.. lakad dito ang ginawa ko. Daig ko pa nag-alay lakad. T.T

"Black Dorm.." Hayy! Asan na ba tong black dorm na to??

Wag mong sabihing wala talagang black dorm? Tss! Pinagloloko ba ako ng eskwelahan na ito?

Lakad..

Lakad..

Lakad..

Lakad..

*Bogs!*

"Ouch!" ang pwet ko. Pangalawang beses na to na natumba't nabunggo ako! Argh! Ang sakit! Hinimas-himas ko pa muna ang pwet kong nasaktan bago ko tinignan kung sino ang bwisit na nakabunggo sa akin.

O_o

"Ikaw na naman?" duro namin sa isa't isa.

"TSS! Talaga bang hindi ka marunong tumingin sa dinadaanan mo? Ganyan ka ba talaga Katanga? TSSS!"

Aba't! ARGH! -______-" 

Kung kanina hindi ako nagsalita at hinayaang na lang ang mayabang na to na akala mo kung sinong plantio piloto na bumaba sa langit, ngayon ay punong-puno na ako!

Tumayo ako at hindi na nag-aksaya pang pagpagin ang damit kong madumi na.

"Mas mabuti nang ganito Katanga kasya naman sa katulad mong asal kalye! Akala mo kung sino ka! Pwede namang humingi ng sorry e, nasaktan ka ba? Hindi naman diba? Ang kapal ng mukha mong sabihin na hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko pero hindi ka rin naman tumitingin kasi kung tumitingin ka, HINDI KA SANA MABUBUNGGO SA ISANG TANGANG KATULAD KO!!!!" Habol habol ko ang hininga ko. ABA! Anong akala nang lalaking to? Magpapatalo ako sa kaniya?

 Nanlaki naman ang mata nito sa sinabi.

Then, he just smirks.

"Don't you think mas asal kalye ka kaysa sa akin?"

ARGH! -_____-

"HMP. What a useless person." Sabi na naman nito at nagsimula nang maglakad.

"Useless?" Am I really useless?

"You know what? I pity you. Apo ka nila pero hindi ka naman nila nilalapitan. Alam mo kung bakit? Cause you're useless. You're not even smart. Tagapagmana? Babagsak lang ang negosyo nila dahil sa kagaya mo!"

Bakit.. Bakit ko pa naaalala yun? Wala naman akong pakialam kahit na ano pa ang itawag nila sa akin. Wala akong pakialam. Bakit ko kailangang i-pleased sila? Hindi din naman nila na-aapreciate ang mga ginagawa ko. Kahit isa sa kanila, ni minsan hindi nagtanong kung okay lang ba ako. Kahit ang sarili kong ama at ang lolo't lola ko.

Akala lang nila masaya ako. Akala lang nila.

Huh? Nasan na ako? Lakad pala ako ng lakad ng hindi ko namamalayan. Kainis kasi yung lalaking yun e. Panira ng araw!

Teka? Papunta ba tong gubat? Ang daming puno pero meron namang sementadong daan. Saan kaya papunta ang daan na ito? Ito ba ang tamang daan?

Waley -_____- Hayyy! Nababaliw na nga ata ako. Mr. Bear, nandyan ka na kaya sa Black dorm?

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon