Thirty Eight*

3K 56 31
  • Dedicated kay all HTNLB Fanatic and lovers :D
                                    

Thirty Eight*

 

AISHA’s POV

“Yes. I’m gay.”

SHOCK. I was really shock. I didn’t even know what to say or what to do. I look at them. Tristan, Nixon and Edcel were shock too. I look at Peejay’s face, but he was already downcast. So he knew that Wilbert is a gay? How come I didn’t knew about it? how come I didn’t notice it?

“Janna! Sumusobra ka na!” sabi naman ni Arwin. May tigas sa tinig nito at masama ang tingin nito kay Janna.

“Ba..b-bakit? H-hindi niyo ba alam na.. na..” Naguguluhang wika naman ni Janna. Nakatingin siya sa amin.

“Stop it Janna! In the first place wala ka naman karapatan para magalit kay Peejay. Hindi mo dapat siya kinonfront at hindi mo dapat siya sinampal!” Si Arwin pa rin na halata ang galit sa boses nito.

“Stop it Arwin. Totoo namang bakla ako. Hindi ko lang talaga sinabi.” Sabi ni Wilbert. Tumingin siya sa amin na parang humihingi ng sorry. “Sorry. Imbis na maging masaya ang bakasyon na ito naging magulo pa. Sorry din dahil hindi ko sinabi sa inyo kung ano talaga ako.”

“I’m going.” Tumayo si Peejay.

“Aalis ka na naman Peejay? Mang-iiwan ka na naman. Ipagtatabuyan mo na naman ba si Wilbert dahil alam na nila na bakla siya? ANO!? MAGSALITA KA!?” Si Janna.

Litong tinignan ko si Peejay, pero walang ekspresyon ang mukha nito. Hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyayari. Hindi ko sila magets. Bakit kailangang ipagtabuyan ni Peejay si Wilbert? Kahit naman siguro bakla si Wilbert, tatanggapin pa rin siya nito kasi nga bestfriends sila e. Higit pa sa magkapatid turingan nilang dalawa.

“Stop it Janna! Nasasaktan na si Wilbert sa ginagawa mo!”

“But I’m hurt too!”

“Hindi lang ikaw ang nasasaktan! Bakit ba ang selfish mo!?”

“Tumahimik na kayong dalawa.” Si Wilbert. “At kayong apat, you should go to your rooms now. Hindi kayo kasali dito kaya magpahinga na lang kayo.”

“Pero Wil—“ Bago ko paman masabi yun ay tinakpan na ni Edcel ang bibig ko. “Aalis na kami.” Sabi ni Edcel at hinila na ako palayo dun.

Nang makalayo kami ay inis kong binawi ang kamay ko. Naiinis ako e. Gusto kong malaman ang dahilan ng lahat-lahat.  Gusto kong malaman kung bakit nasasaktan ang dalawa kong kaibigan.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon