Fifty*

1.8K 32 8
                                    

Fifty*

AISHA’s POV

First day of classes. Second year high school na ako. At kung minamalas ka nga naman, kaklase ko sila. Si Denver, Nixon, Tristan and Vanessa. Yeah, Si Vanessa na kung makadikit kay Denver, akala mo siya yung girlfriend! Tss.

Nangagalaiti ako sa inis! Kainis talaga! ARGH!

“Girl.”

“Huh?”

“Hi?” Sabi nang babaeng transferee. Oo, bago pa lang siya.  Sa ibang school siya nag-first year at lumipat siya dito sa M academy at ngayon nga’y kasalukuyan ko siyang seatmate.

“Hi. Your name is?” Hindi kasi ako nakikinig nung sinabi niya yung pangalan niya kanina e. Mas interesado kasi ako sa ginagawa ni Denver at Vanessa kanina.

“Nagpakilala na ako kanina ah. Hindi ka nakikinig?” Medyo nagtatampo na sabi nito.

Maang na napatingin naman ako sa kaniya? Close ba kami at ganito siya sa akin? Tss.

“By the way, I’m Jeddea Losanes. Seventeen, Philippines!” Sabi nito at kumaway-kaway pa. May balak pa atang maging Ms. Universe ang isang to.

Nginitian niya ako tapos inabot yung kamay nito. “Nice meeting you Aisha.” Sabi nito. Inabot ko naman iyon at tumango na lang sa kaniya.

“ARGH! Wala namang klase. Pwede bang umuwi na ako.” Napalingon ako kay Tristan na nasa kaliwa ko lang. Si Jeddea naman sa kanan ko. Katabi ni Tristan si Nixon.

“Shut up.” Si Nixon.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Jeddea at lumapit doon sa dalawa. Biglang niyakap si Tristan at Nixon.

“Waaaaahh! Lumayo ka nga sa akin Jeddea! Nakakadiri ka!” Si Tristan na pilit itinutulak si Jeddea habang si Nixon, walang reaksyon.

“Nixon oh. Inaaway ako ni Tristan!” Parang batang sumbong naman ni Jeddea kay Nixon.

“Tristan, Huwag mo siyang itulak.”

“ARGH! Kainis! Jeddea! Huwag mo akong yakapin. Si Nixon na lang ang yakapin mo! Nakakadiri ka. Alis. Aliiiiis!”

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon