Three*

5.9K 55 2
                                    

Three*


AISHA's POV

NGANGA PA RIN AKO! Pinaparusahan ba ako ng diyos at nilagay ako dito? Sa Dorm na puro lalaki ang nakatira? Ang nakikita ko ay puro mga asong ulol na handa akong kagatin anu mang oras. Pero na lang sa katabi ko ngayon. Si Kuya Russel lang ang mukhang mabait sa paningin ko. Although lahat naman sila ay may itsura. Hindi lang itsura. Dahil lahat sila gwapo -___-

"Ahm, ipapakilala ko sila sayo isa't isa." Saad ni Kuya Russel. Itinuro nito yung lalaking hindi nagsasalita. "Siya si Nixon Deita. First year." Sumunod naman ang nakangiting katabi nito. "Siya naman si Tristan Munoz. First year din." Sumunod ay yung nakapikit na lalaki. Mukhang natutulog na ito. "Siya naman si Daryl Merades, second year. At talagang trip niyang matulog." At yung nakasalamin na lalaki. "Si Edcel Cantos, Second year."

"At ako, Si Peejay Talde. Alam ko namang kilala mo na ako e." Kumindat pa ito sa akin. Hawak-hawak na rin nito ang kamay ko na hindi ko alam kung paano nito agad nahawakan.

"IKAW!" Piningot ito ng lalaking maliit. Well, hindi naman siya gaanong maliit. "Ako nga pala si Wilbert Galvan, pinsan ko si Peejay kaya ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa niyang panghaharass sayo."

-_____-

Wala na akong maicomment pa. Ang gusto ko na lang ay magshower. Matulog. Para bukas may lakas na ako para mag-aral. Though hindi ko naman talaga gustong mag-aral. Matutulog na lang ako buong klase.

"And my name is Aisha." Pagpapakilala ko at bumaling kay Kuya Russel. "Kuya Russel, San po ang kwarto ko?"

Mukha namang natahimik ito. Bakit kaya? Anong nangyari?

"Actually, nalilito talaga ako kung bakit dito ka napunta. Kasi Eight lang talaga ang kwarto dito."

Eight? Nagbibiro ba siya? "E kuya Russel, Eight naman tayo ah? O di sakto lang.."

"Yung pang-walong kwarto. May nagmamay-ari na. Hindi nga lang siya dito natulog. So.."

-_____- This is my worst nightmare. "So you're telling me that I have no room in this house?"

"Ahm.. Kung kakausapin natin ang ibang dorm.. Pero hindi pwede e. Nakasulat na dito ka talaga so wala na talaga tayong magagawa. Dapat na lang tayong mag-isip kung saan ka matutulog." Napapakamot na lang si Kuya Russel.

I want to go home! Bakit ba kasi pumayag akong dito mag-aral? But I knew, they would be happy if I wasn't on they're sight. Kaya hindi ako dapat bumalik sa bahay na iyon.

"AH!"

Napatingin ako kay Kuya Russel.

"I have a wonderful idea."

Tumingin ito sa mga lalaking mukha namang walang pakialam.

"At kayo ang sagot sa problema ni Aisha.."

Edcel: "What?"

Tristan: "Hindi nga?"

Daryl: "Inaantok na ako."

Peejay: "Ako, kung kailangan mo ng katawan ko okay lang. Ibibigay ko sayo lahat."

Wilbert: "PEEJAY! Magtigil ka nga!"

-_____- No comment.

Pero kumislap lang ang mga mata ni Kuya Russel. "Dahil sa inyo matutulog si Aisha."

Tristan: "HAH? Pero babae siya.."

Edcel: "Tristan's right. She is a girl after all."

Daryl: "Okay lang sa akin."

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon