Twenty One*

4.7K 57 19
                                    

Twenty One*

 

AISHA’s POV

Saturday. Morning.

Hindi ko man gusto umuwi ay pinauwi ako. Sinundo ako nang driver nang daddy ko. DRIVER NG DADDY KO. Nakakatuwa. Tuwang-tuwa talaga ako. Buti pa ang driver na to, sinundo ako. Sinundo talaga ako sa black dorm samantalang si daddy. Wala. Hindi niya talaga ako priority no?

“Miss Aisha? Okay ka lang po ba?”

Tinignan ko ang si Mr. Fred. Siya ang driver ni daddy. Dating driver ni Mommy. Katiwala din siya sa bahay. Nasa 50’s na siya pero matikas pa rin ang katawan nito. Wala itong asawa at anak.

“Okay lang po ako.” Malungkot kong sabi saka tumingin sa labas.

“Miss Aisha, may meeting kasi si Mr. Castillo kaya hindi ka niya nasundo.”

“Huwag niyo na po siyang ipagtanggol Mr. Fred. Alam ko naman na hindi niya ako priority e. Nakaka-inggit lang kasi..” Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil malapit na kami sa Mansion. Mansion nang Asuncion Family. Sakasalukuyan ay ang mga Castillo na ang gumagamit.

Ipinark ni Mr. Fred ang kotse at bumaba. Pagkatapos ay pinagbuksan ako nang pinto. Nagpasalamat naman ako. Tumingin sa malaking bahay. Tatlong linggo na rin pala. Feeling ko isang taon ang lumipas. Hindi ko man lang namiss ang bahay na to. Hindi ko man lang namiss ang mga tao sa bahay na to. Si daddy lang pala. Tanga ko ba? Namimiss ko siya buong buhay ko.

“Miss Aisha.. Medyo tumaba ka.”

“PO?” Napatingin ako sa kamay ko. Sa paa ko. Nilagay ko ang palad ko sa mukha ko. Tumaba ba ako? Hindi naman ata e. Parang walang pagbabago.  “Hindi naman e.”

Isang ngiti lang ang ginawa ni Mr. Fred. Kinuha na nito ang gamit ko mula sa compartment ng kotse. Pumasok naman ako sa loob. Wala man lang akong maramdaman sa bahay na to. Lahat ng memories ko masakit. Lahat panget. Lahat.

“Welcome back Miss Aisha.” Si Miss Amy. Ang mayordoma nang bahay na to.

Hindi ko siya sinagot. Dere-deretso ako sa hagdanan. Pupunta ako sa kwarto ko. Nang nasa tapat na ako nang kwarto ko ay inilabas ko ang susi ko. Binuksan ko iyon. Walang pinagbago. Walang kalat. Siguro nililinis din nila ito kahit papaano.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon