Forty*

2.9K 41 2
                                    

(A/N: Thank you talaga sa nagsusuport neto. Huehue. Comment lang kayo okee. Please *pretty eyes* Pagbigyan ang kawawang author XD)

Forty*

 

AISHA’s POV

Binabalot ko na ang regalo ko sa kwarto ko. Kainis nga e. Ako lang mag-isa dito. Umalis kasi sila Vanessa at Raquel e. Hayyy. Bakit kaya wala akong kaibigan na babae? Salbahe ba talaga ako? O natatakot pa rin akong makipagkaibigan sa mga kauri ko kasi nung bata ako halos babae yung mga plastic na nakikipaglaro sa akin para lang sa pera.

Gusto ko din magkaroon ng girl bestfiend. Yung tipong sabihan ko nang mga problema ko, yung tipong kakwentuhan ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Magshe-share kami ng secrets. Magtitilian pag sasabihin yung mga crushes namin. hayy. Kakainggit yung mga taong may matatawag na bestfriend. Oo, may bestfriend ako.. si Tristan pero lalaki yun e. alangan naman na sabihin ko sa kaniya yung mga secrets ko lalo na sa mga crushes ko? Ang weird naman ng ganun. E hindi naman siya titili pag nalaman niya yung mga ganung bagay.

“Aisha?”

Natigil ang pagmumuni ko at lumingon sa pintuan. Nanlaki pa yung mata ko ng makikilala ang babaeng nakadungaw doon. Akala ko kasi umuwi na siya e.

“Ahm.. na-istorbo ba kita?”

Agad akong umiling. Pumasok si Raquel kasama ang mga bagahe dito.

“Akala ko umuwi ka na?” Tanong ko.

“Walang tao sa bahay namin e. Ayoko namang magpasko mag-isa.” Ngumiti pa ito. “Pwede bang pashare ulit ng room?”

Masaya akong tumango. Inayos naman nito ang gamit nito.

“Si Vanessa pala?”

“A yun ba? Kasama niya family niya. Nagbakasyon ata sila? I don’t know. Hindi niya na ako kinontact e.”

“Close kayo no?” Bigla kong nasabi.

“Oo. Lagi kasi kaming magkasama sa SSC Office e. At kami lang ang babae dun kaya malamang, lagi kaming mag-uusap. At isa pa, parehas kami ng kapalaran.” Tumawa ito pero walang buhay. “Nagmahal kami ng lalaking hindi naman kami mahal..” Tumingin siya sa akin ng malungkot.

Napakunot naman ang noo ko. “May gusto ka din kay Denver?”

“Ha? Wala. Haha. Kay E-Edcel ako may gusto.” Medyo nahihiya pa nitong sabi.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon