Fifty Two*

1.6K 34 3
                                    

Fifty Two*

AISHA's POV

Nanalo si Denver sa SSC Election. Siya pa rin ang President. I'm so proud of him haha. Akalain mong ang dami niya pa ding nauuto. Hmm. Pero proud girlfriend pa din ako.

Nakakatuwang isipan na dati ayaw na ayaw ko sa kaniya at ayokong nakikinig sa speech niya pero ngayon. kusa na siyang nililinngon ng mga mata ko.

Napaka-sweet na boyfriend ni Denver. Sa totoo lang, kinikilig ako pag nagiging sweet siya, sino ba namang babae ang hindi kikiligin kung i-announce ba naman niya sa lahat na mahal niya ako at ako lang. O diba? Muntikan na akong mahimatay sa sobrang kilig dun.

Pero kahit na masaya ako, nalulungkot pa din ako kasi nga malayo pa din sila Tristan at Nixon sa akin. Iniisip ko kung kailan kaya kami babalik sa dati o kung babalik pa nga ba kami sa dati?

Gusto ko nang bumalik kami sa dati.

"Bakit ang lungkot ng prinsesa ko?"

Napatayo ako sabay hawak sa dibdib ko. "Kuya Russel naman e. Ginulat mo ako."

Tumabi ito sa akin. "Masyado ka kasing seryoso."

"Nag-iisip lang naman." Pagrarason ko. Seryoso nga kasi yung iniisip ko.

"Kamusta ka na Aisha? Kamusta ang family mo?"

Napalingon ako kay Kuya Russel. "Okay naman ako. Yung kela Nixon at Tristan lang naman ang hindi. Okay din naman ang lahat about sa family ko, actually nagawa ko lahat ng nasa list ko."

Yung list ko na ginawa ko noong summer, nagawa ko naman lahat. Nakapagpinta ako ng magandang scene which is noong pumunta ako sa hospital nila Denver at nakita ko yung mga bata na kahit may sakit sila nagagawa pa din nilang ngumiti. Nakantahan ko na din si Sherine, Ooops. Sabi niya tawagin ko na daw siyang mommy. Kaso mas ikinagalit yun ni Ansherina. Mas naging close na din kami ni Lola, pinakilala niya na nga ako sa mga executives ng company namin bilang heiress niya.

Nag-enjoy naman ako sa company ni Denver buong summer kaya okay na din. Problema lang talaga yung cold treatment nung dalawa sa akin.

"Then good for you."

Napangiti ako. Ang gaan-gaan talaga ng loob ko kay Kuya Russel, parang kapatid talaga yung turing ko sa kaniya. Mabuti na lang talaga at siya yung namamahala sa black dorm.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon