Forty Six*

2.1K 39 16
                                    

Forty Six*

 

AISHA’s POV

Another day has passed. Medyo nababagot na ako dito sa mansion nang lola ko dahil palagi naman silang wala. Si Kuya Alhonie naman, busy din dahil nagrereview ito para sa exam nito doon sa napili nitong university. Si Ansherina naman, ASA naman ako na magba-bonding kami. Laki ng galit niya sa kain e at the same time, laki din nang inis ko sa kaniya.

Nagpaalam na lang ako sa isa sa mga katulong doon na aalis muna saglit. I’m going to the Club house. Magbabasketball na lang ako mag-isa. Sana lang walang mga tao doon para solo ko yung basketball court.

Naglakad lang ako kahit medyo malayo siya sa mansion. Habang naglalakad ako ay iniisip ko sila Tristan at Nixon. Ano na kayang ginagawa nang dalawang yun? Hindi man lang kasi sila magtext e. Hmm. Alam ko naman na nagpa-part time si Tristan pero si Nixon kaya? Ano naman kaya ginagawa nang isang yun? Nagpapa-therapy na kaya siya para sa kamay niya? Para makatugtog siya ulit? Hmm.

Nag-aalala tuloy ako. Hindi man lang niya ipasabi kung ano na ang balita sa kaniya. Tss. Oo nga pala. Wala nga palang cellphone si Nixon. Lokong lalaki yun, hindi pa pala siya bumibili. Dapat bumi—

“ARAY!” Ngawngaw ko dahil may nabunggo ako. Bumagsak ako sa isang malambot na bagay. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang gwapong mukha na halatang gulat din.

“Denver?/Aisha?” Sabay pa naming sabi.

“Kahit mahal kita, ma-e-eskandalo tayo sa posisyon nating dalawa.” He said while grinning.

Mas lalo pa atang lumaki ang mata ko dahil nakadagan ako sa kaniya tapos siya nakayakap sa bewang ko. At nakahiga kami sa mainit na semento. Agad akong tumayo at nagpagpag ng damit. Tatawa-tawang tumayo din ito.

“I never thought that I will see you here. What are you doing here pala? Hindi ka naman dito nakatira.” Simula nito habang pinapagpag ang braso nito. At napansin kong nagkagalos ang siko niya dahil sa pagkabagsak naming dalawa. 

“Halla! May galos ka!” Hindi ko na nasagot ang mga tanong niya at hinawakan ang siko niyang may galos, namumula pa ito at may kaunting dugo.

“Galos lang naman to. But thank you for your concern.” He said while grinning happily.

“Hindi lang yan basta galos! May sugat na nga oh! At saka may lumalabas pa na dugo. Halika sa bahay at gagamutin ko yang sugat mo.” Sabi ko sa kaniya at hinihila ko na siya.

“Whoa. Are you really worried about me? You care about me that much?” Sabi nito na parang siguradong-sigurado na nag-aalala ako sa kaniya.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon