Twenty Eight*

4.2K 47 5
                                    

Twenty Eight*

 

NIXON’s POV

Regular classes again after the tiring examination. 

“Uy.”

Kinunot ko ang noo ko bago ko siya tinignan.  Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking ito?

“Ano?”

“Bakit ang sungit mo? Meron ka?”

Napailing na lang ako. Baliw talaga ang lalaking to. Hindi ko nga alam kung bakit close kami despite nang mga problema naming dalawa.

“Ewan ko sayo Tristan. Makinig ka nga sa teacher.”

“HEHE. Alam ko na yan e. Simple math. HEHE. Tinuro na sa akin yan ni Aisha kahapon e. Mas magaling pa nga siya dyan e.”

Napasimangot ako. Araw-araw na silang magkasama ni Aisha dahil nga tinuturuan siya nito. Pagkatapos ng practice, pupunta ang dalawa sa sala at mag-aaral. Gusto ko sanang sumama pero pinipigilan ko ang sarili ko lalo na at nasa sala din si Edcel.

Isa pang abnormal ang lalaking yun. Hindi ko alam kung masokista o sadista e. Ramdam ko naman na may gusto siya kay Aisha. Well, ganun talaga. Alam mo kung sino ang karibal mo. Yun na nga, gusto niyang pinagdidiinan kami kay Aisha. Parang gusto niyang makita ang isa sa amin na magselos o masaktan. Ewan. Ang hirap niyang intindihin. Mas mahirap pa siya sa math subject na to.

Pakiramdam ko wala na akong lugar kay Aisha. ARGH! Hindi naman ako ganito. Hindi ako yung tipo nang tao na sinasabi ang nararamdam. Nananahimik lang ako. Ayoko nang masyadong nagsasalita. Siguro kasalanan din to ni Daddy. Tuwing may gusto kasi akong sabihin, hindi niya ako pinapakinggan. Kaya mabuti na lang na tumahimik na lang pero sa pagkakataon na to, mananahimik na lang ba ako?

“Uy, bigla ka na lang nanahimik. May problema ba? Tumawag nga pala ang daddy mo kahapon, tinatanong kung bakit hindi tayo umuwi nung sabado.”

I look at him. “He called you?”

Natahimik naman ito. “Oo e.”

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon