Twenty*

4.9K 53 14
                                    

Twenty*

 

EDCEL’s POV

Naalimpungatan ako nang makaaninag ako nang ilaw. ARGH! How many times do I have to tell Aisha that I hate lights when I’m sleeping! Kinusot-kusot ko ang mata ko at hinagilap ang eyeglasses ko sa malapit na lamesa. Isinuot ko iyon at inihawi ang kurtina at pagsasabihan ito nang makita kong nagbabasa ito nang libro.

It’s the first time I saw her reading a book. It was not a novel nor pocketbook or nonsense but it was her science book. Nakita ko din na meron pang ibang libro sa lamesa niya. At sa tingin ko ay nagrereview ito. May quiz kaya ito bukas? Pero bakit nagrereview ito? Ni minsan, hindi ito nagreview o ano.

And she’s weird. Kahapon pa yan e. Pag-uwi niya kahapon, iba na aura niya, yung tipong una niyang punta sa black dorm. Walang emotion yung mukha niya at saka namumugto ang mata niya. Kakausapin nga sana siya ni Tristan at Nixon pero pinigilan sila ni Kuya Russel.

Gusto ko din sana siyang kausapin pero nang matitigan ko siya, naramdaman ko na lang na sumisikip ang dibdib ko. Her eyes feel empty. Para kang tumitingin sa kawalan.

Tumayo na ako. Naramdaman niya ata ang paggalaw ko kaya lumingon siya sa akin. Nakasuot din ito nang eyeglasses. Nakatingin sa akin nang may pagtataka sa mukha.

“Why? Am I not allowed to wake up in the middle of the..” Napatingin ako sa wall clock. “Oh my! It’s still two in the morning?” Napahawak ako sa batok ko. An gaga ko gumising. Pag ganito, hindi na ako makakatulog pa.

“Did I wake you up?” Pagbabalewala nito sa sinabi ko.

“Unfortunately Yes. I told you that I can’t sleep—“

“Nang nakabukas ang ilaw.” Pagtatapos nito sa sasabihin ko. Natahimik tuloy ako. “I’m sorry. Hindi ko kasi makita tong binabasa ko kaya binuksan ko yung ilaw. Wala namang lampshade kaya.. I’m sorry.”

Pagkatapos nitong magsorry ay ibinalik na nito ang tingin sa binabasa nito. Napailing na lang ako. What’s the sudden change? May kinalaman ba to sa nangyari kahapon sa kaniya? But no one knew what happen to her yesterday. ARGH! Bakit ba gusto kong malaman? NO! I’m not. I’m just curious that’s why I want to know. That’s it.

“Edcel?”

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon