Sixty Four*

1K 36 2
                                    

Sixty Four*

TRISTAN's POV
Wala ba akong pwedeng makausap ng matino sa bahay na ito? Lahat sila may sari-sariling mundo. Ano ba yan!? Tao pa ba mga nakatira dito? Ang lungkot na nga sa labas, pati sa loob gayundin!

"Hoy brat. Anong nangyari dito?"

Medyo nanlaki pa ang mata ko nang mapagtanto kung sino 'yung nagsalita. Si Peejay! Kasama si Wilbert. Pumasok silang dalawa at magkatabing umupo sa sofa.

"Whoa. Ginagawa niyo dito?" Manghang tanong ko. Kasi nasa amerika sila diba? Huli ko nga silang nakita e noong birthday pa ni Edcel.

"Hello to you too, Tristan." Nakangiting bati ni Wilbert.

Napakamot naman ako ng ulo. "Hehe." Napahiya tuloy ako dun.

"So anong kababalaghan ang nangyari dito sa black dorm at mukha siyang namatayan?"

"Hindi niyo pa ba naririnig 'yung balita?"

"About Aisha?" Seryosong tanong ni Wilbert. Dahan dahan akong tumango.

"Nandito pa naman kami para magbakasyon. Christmas na sa susunod na linggo pero wala man lang decorations 'tong dorm. Tss." Si Peejay na sinandal na ang ulo sa sofa.

Kita ko na pagod pa sila sa byahe.

"Gusto niyo bang kumain? Magluluto ako."

"Hindi na Tristan. Matutulog muna ako. Okay pa naman siguro 'yung kwarto ko diba?"

"Ah oo." Dahil lagi akong walang magawa, ako ang naglilinis ng dorm. Dati tinutulungan ako nila Aisha at masaya kaming naglilinis pero ngayon, pati paglilinis, nakakalungkot na.

"I'll sleep too. And by the way, where are the others?"

"May sari-sarili silang mundo." Sabi ko na lang. Dumaan ako sa kusina kung saan iniwan ko kanina 'yung bola ko. Maglalaro na lang ako ng basketball habang wala pa 'yung tatlo.

Pumunta na ako sa likod ng blackdorm ng makita ko doon si Nixon. Tulala lang ito habang naggigitara.

"Dumating ka na pala.." Untag ko sa kaniya.

"I skip." Sabi nito.

"Ano? Hindi ka naman pumunta sa therapy mo? Ilang beses ka na bang hindi pumupunta hah? Paano ka ulit makakatugtog nyan?" Tinabihan ko siya.

"Bakit ko pa ipagpapatuloy kung wala na 'yung rason ko para tumugtog ulit." Itinaas nito ang kamay nito at tinignan iyon. "I felt like I lost my life." Ikinuyom nito ang palad.

Sa aming lahat..  Si Nixon ang pinaka-nasaktan. Hindi man niya ipakita, alam kong nasasaktan siya ng sobra sobra. Magkababata kami, magka-away man paminsan minsan, magkapatid pa din kami kung magturingan.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon