Nineteen*

4.9K 51 17
                                    

Nineteen*

 

DENVER’s POV

YES! Sa wakas. Nagkaroon din ako nang vacant time. After a couple of years na ata ang itinagal nang pagstay ko sa office na yun. Maghapong nakaupo. Maghapong basa nang mga paper works. Magahapong pirma nang mga ganito. Maghapong puro reklamo ang mga nababasa ko.

“Denver!”

“Vanessa? What do you want?” oh. She’s my childhood friend.

“Eto naman. Wala naman akong kailangan. Gusto ko lang kamustahin ka.” Medyo nakapout pa nitong sabi. HAYY. Nagmamadali pa naman ako.

“I’m sorry Vanessa but I have to go. And it’s important. Hindi naman importante ang sasabihin mo diba?” Napapatingin pa ako sa watch ko nang mga sandaling yun. Baka kasi nakauwi na yun e. Hindi ko na nga siya nakita kaninang umaga pati ba naman ngayong hapon?

“Pero..”

“Next time. I promise.” Nagsimula na akong maglakad. Hindi ko na hinintay pa kung anong sasabihin niya. Una akong pumunta sa library. May nakapagsabi sa akin kanina na nandun daw siya.

Pumasok ako. Lingon dito. Lingon dyan. Asan yun? Tsss. Talagang gusto niyang hinahanap ko siya ah. TSS. Wala naman masyadong mga estudyante e. Kaya asun yun? Nakauwi na kaya?

Naglakad ako papuntang shelves. Ang dami naman kasing pasikot-sikot nang library na to. Nasa dulo na ako nang may marinig akong mga boses. Hindi ko masyadong makuha ang mga sinasabi nila kaya hinanap ko sila. Magtatanong na lang ako at baka nakita nila ang babaeng yun.

Pero napahinto ako sa nakita ko. Naningkit pa nga ang mata ko. Ibang lalaki na naman ang kasama niya? Sino ba tong lalaking kasama niya? Isang mukhang engot at isang mukhang engot ulit. ARGH! NAKAKAIRITA SA MATA.

“Tristan, mali yan e. Ganito oh..”

“Ngek. Mali ka naman Aisha e. Ganito oh.”

“Nixon, ikaw nga magturo dito.”

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon