Twenty Six*

4.3K 57 6
                                    

Twenty Six*

DENVER’s POV

Kinuha ko ang folders na nasa lamesa ko. Inutusan ako ng adviser namin na idikit ito sa bulletin board ng school. Ito ang ranking nang mga first year students. Parang ang bilis nga ng araw, tapos na agad ang first grading period. 

Pumunta na ako sa lobby nang school kung nasan nakalagay ang bulletin board.

Mabuti na lang walang estudyante nang dumating ako dun. Walang istorbo. Tinignan ko ang bulletin board, nandun na ang ranking nang second year at third year students.

 

 

 

 

THIRD YEAR’s OVERALL RANKING

Rank 1 – Castillo, Alhonie – 92.09

Rank 2 – Talde, Peejay – 90.34

 

Rank 7 – Fajardo, Rojem – 87.98

 

Rank 14 – Galvan, Wilbert – 84.16

“Tss.” Akalain mong pang-second rank ang dating president ng student council. Akala ko kasi wala siyang binatbat. Na dinaan niya lang sa pagmamayabang ang lahat kaya siya nanalo. Tss. Akalain mong matalino pala talaga siya. At si Alhonie pa rin ang rank one. Sabi nga sa akin ng pinsan ko, sadyang matalino daw ito. Tss. At ito namang pinsan ko, RANK SEVEN? Nag-aaral ba yun?

 

 

 

SECOND YEAR’s OVERALL RANKING

Rank 1 – Cantos, Edcel – 93.78

Rank 2 – Castillo, Ansherina – 91.27

 

Rank 10 – Morilla, Raquel – 86.99

 

Rank 18 – Merades, Daryl – 83.78

WOW! TSS. Matalino din pala yung Edcel na yun. TSsss. Bakit ba naiinis ako? ARGH! Ewan. Maipost na nga lang din tong samin habang wala pang tao. Kinuha ko na ang unang papel na naglalaman nang rank one hanggang forty five. One hundred five (105) kasi ang bilang ng buong first year. Napangiti ako nang makita ko ang pangalan ko. Syempre, ano pa ba ang inaasahan mo sa matalino at gwapong katulad ko? Hmm. At sino naman ang rank two?

Nagulat ako sa nakita ko. I didn’t know that she’s smart. So the Castillo siblings were all this smart? Wow. Ano kayang pinakain sa kanila nung bata sila at ang tatalino nila? Tss. Ano nga ba ang alam ko kay Aisha? Maliban sa siya ang tinitibok ng puso ko? ARGH! Kailan pa ako naging corny?

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon