Thirty* (PART 2)

4.1K 60 11
                                    

Thirty* (PART 2)

AISHA’s POV

YAY! Excited na akong pumunta sa campus ngayon. Gusto ko nang puntahan lahat ng mga booth. Hmm. Ano kaya ang uunahin ko? Manuod muna kaya ako sa theater house o bumili muna kaya ako sa mga tiangge? Hmm. Ah basta! Kung ano na lang ang gustuhin nilang mauna. Okay lang. ehehe.

“Tara na Aisha.” Si Tristan na nakapantalon at simpleng tshirt lang.

“Sila Wilbert?” Sabi kasi nito sabay-sabay kaming aalis.

“Kanina pa siya umalis. Kailangan daw kasi siya sa club niya e pero hahabol daw siya mamaya.”

“Aww. Sayang..” I’m looking forward to it pa naman. Yung kumpleto kaming magsasaya sa araw na to.

“Hindi ba okay na tayong tatlo lang?” Sabi naman nang nakacrossed arms na si Nixon.

“Hindi naman sa ganun.. pero di ba mas masaya pag kumpleto tayo? Pag sama-sama tayo. Saka dala ko camera ko oh.. I was hoping pa naman na magkaroon nang remembrance lalo na at last year na ito nila Peejay at Wilbert..”

“Ano ka ba naman Aisha..” Saad ni Tristan at inakbayan pa ako. “Susunod naman sila e. Kaya halika na.. excited na ako e.”

Ngumiti na lang ako. Excited na din ako e.

SA CAMPUS..

Naglibot-libot muna kami sa mga tiangge pero hindi naman kami bumibili. Tinitignan lang namin, sabi kasi ni Nixon, mamaya na daw kami bumili pag andyan na sila. Para daw makalibre kami. HEHE. Nang mapagod na kaming maglibot ay pumunta na kami sa theater house. Bumili lang kami nang pagkain at softdrinks para hindi kami magutom.

Sa gym kasi ang venue nang theater house. Nakita namin sa bungad nang gate si Daryl, sa kaniya ata magbabayad dahil siya ang nandun.

“Uy Daryl, kamusta negosyo, lumalago ba ang kita?” Tanong ni Tristan.

“Haha. Of course. Hindi nga lang kasing lago nang kita nang SSC. By the way, napadaan ba kayo dito kasi manunuod kayo o gusto niyo lang akong makita?” Tanong nitong abot-abot ang ngiti.

“Manunuod kami.” Sagot naman naming tatlo na ikinasimangot niya.

“Akala ko naman namiss niyo ako. HAHA. P250 pesos po ang entrance.”

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon