Twenty Nine*

4.1K 49 5
                                    

Twenty Nine*

 

AISHA’s POV

Kanina pa ako palakad-lakad sa kwarto ko. Hindi kasi ako pinapansin nang mga taong to? Si Edcel at Tristan. Anong problema nang mga to? May surprise na naman ba sila at hindi nila ako pinapansin o sadyang ayaw lang nila akong pansinin? May nagawa ba akong mali? Wala naman ah. Ayos naman kami nitong mga nakaraang araw? Hmm.

Tss. Paano na yung assignment ko neto?

“Aisha, wala muna tayong practice mamaya. Masakit daw ulo ni Tristan.” Walang kabuhay-buhay na sabi ni Nixon. Umupo ito sa kama ko. O diba? Basta na lang sila pumapasok sa kwarto ko. Pero okay lang, ganun din naman ako e.

“Masakit ang ulo e nakita ko siya kaninang nagprapractice nang basketball. Ish. Anong problema nang lalaking yun? Kahapon pa ako iniiwasan e.” Reklamo ko habang palakad-lakad pa rin. Namomroblema ako e.

“Iniiwasan ka niya? That’s really something. Baka may ginawa ka?”

Napasimangot naman ako. “Wala naman e. Okay pa nga kami nung isang araw e.” Napaupo na rin ako. Napagod na ako sa paglalakad. “Ano ba ginawa ko? Pati si Edcel, hindi din ako pinapansin.”

“Are you sure na wala kang ginawa?”

“Wala nga. Nung isang araw, hindi ako nakasabay maglunch kasi sinundo ako ni daddy tapos niyaya akong makipagdate ni Wilbert pagkatapos nun hindi niya na ako pinansin. Wala talaga akong matandaan na ginawang masama or mali para iwasan nila ako.” Kwento ko. Wala talaga akong ginawa e. Meron ba? Wala akong maalala.

“Nakipagdate ka kay Wilbert?”

“Oo.” Sagot ko.

“Wait lang hah. Nakipagdate ka talaga kay Wilbert?” Tanong uli nito. Nakakunot na ang noo nito. Salubong pa ang kilay nito.

“Oo nga. Bakit hindi ka naniniwala?”

“K-kasi..”

“WHAT WERE YOU THINKING HUH!?”

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon