Fifty Four*

1.5K 29 1
                                    

Fifty Four*

AISHA’s POV

Woah! Yay! Nakakatuwa talaga. Andyan si Mommy! Hindi ko man siya totoong mommy pero yung feeling e, parang kasali na talaga ako sa pamilyang to!

“Anak?”

“Dad!” Agad kong niyakap si Daddy. Kasama nito ang nakasimangot na si Ansherina. Matalim ang tinging ipinukol niya sa akin. Masama pa rin ang loob nito dahil sa akin sasama si mommy at hindi sa kaniya.

“Are you okay?”

“I’m totally fine dad.”

“Dad! Tara na! Mag-s-start na yung meeting namin e. Hayaan mo na si Aisha dyan. Tss.”

Napa-iling na lang si Daddy. “Fine.” Tinapik lang ako sa balikat ni daddy bago ito humakbang papaalis.

“Tss. Kung akala mo magiging maganda ang araw mo ngayon Aisha nagkakamali ka!” Sabi ni Ansherina bago umalis.

Maganda ang mood ko kaya hindi ako makikinig sa mga pinagsasabi ng babaeng yun! Tss. Hindi lang pumunta si mommy sa kaniya, nagagalit na siya! Tss. Alam na niya ang pakiramdam sa tuwing pumupunta si daddy sa kaniya at hindi sa akin. Tss.

“Hey, you’re frowning.”

“Ah Nixon naman. Huwag kang nanggugulat.” Sabi ko kay Nixon. Isa pa to sa mga nagpapasaya ng mood ko. Bati na kami. Kinakausap na niya ako. Balik na ulit kami sa dati kahit minsan may mga times ng awkwardness pero okay na yun at least nagkakausap na kaming dalawa.

Napansin ko ang lalaking katabi nito. Kahawig niya ito, nasa likuran din nito si Tristan na medyo inaantok pa. Naghihikab kasi ito.

“Hi Aisha.” Bati nito sa akin nang makita ako.

“Hi.” Para lang kaming baliw. Nagkita naman kami sa black dorm kanina bago pumasok pero nagbabatian pa rin kaming dalawa.

“So you’re Aisha? You look like Ross.” Sabi nito.

“Dad? Whose Ross?” Nagtataka naman na tanong ni Nixon. Ako man ay nagtataka din kasi kamukha ko si mommy e. Paanong naging kamukha ako ng ibang tao?

“Ah, Her father?” Parang naguluhan na sabi ng daddy ni Nixon.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon