Forty One*

2.6K 37 9
                                    

(A/N: Pasensya po sa matagal na update. Sobrang busy lang po talaga. And sorry din kung masyadong maraming typos at grammatical errors. Hindi ko po kasi ini-edit pag tapos ko nang ginawa XD Enjoy reading na lang and don’t forget to leave at least smiley comments :DD)

 

Forty One*

 

AISHA’s POV

Pasukan na naman. Kainis. -___-

Hindi ba pwedeng palagi na lang bakasyon? Yung parati na lang katulad ng Christmas ko? Kung tatanungin niyo kung anong nangyari nung Christmas, syempre kumain kami ng noche Buena tapos nagbigayan ng gifts. Tapos. Walang masyadong nangyari pero masayang-masaya. Yung new year ko? Wag niyo na lang tanungin dahil umiinit ang ulo ko! Seriously? Sinong matutuwa sa babaeng yun? Tss.

Oh GOD! Speaking of the devil.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Tss. She’s a proud lady. Well, she really has what it takes to be proud. Kaya nga lagi kaming pinagkukumpara.. ARGH! Naalala ko na naman yung nangyari noong new year’s eve!

“Oh, Hi dear sister.” Her sweet voice sounds so devilish in my ears. Kung meron man makakarinig dito, aakalain nila na super close kaming dalawa pero hindi. Hindi na ata mangyayari yun.

“What are you doing here?” Tanong ko.

Tumaas naman ang isa nitong kilay. “Am I not allowed to enter this classroom?” Pagkatapos ay sumilay sa bibig nito ang isang nakakalokong ngiti.

Tumingin ako sa labas. Wala kasing tao ngayon sa classroom namin. Break time e. Wala ako sa mood bumili kaya dito lang muna ako sa room.

“Oh. I know you’re still feeling bitter about what happened that night right?” Again, she smirks. She was really happy knowing that I was actually feeling it.

“Kung wala kang magawa sa buhay mo, pwede ba umalis ka na lang sa classroom ko.” Inayos ko ang gamit ko. Mas me-meryenda na nga lang din ako kaysa naman nabwibwisit ako dito.

“HAHAHA.” Argh. Her laugh was really devilish! San kaya pinaglihi to? Sa mangkukulam kaya o sa demonyo? Tss.

Inayos ko na lang ang gamit ko at nilagay sa bag. Kumuha ako ng isang daan para pambili ng snacks.

“Ignoring me huh? Nakakatuwa ka naman kasi my dear. Akalain mong hindi alam ng mga associate nila lola na ikaw talaga ang apo ng mga Asuncion? HAHA. Akala nila ako yung tunay na apo e ang totoo niyan sampid lang naman kami. It was really funny.” At tumawa na naman ito.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon