Fifty Three *

1.5K 31 2
                                    

FiftyThree *

 

TRISTAN's POV
Simula nang bakasyon hindi ko na pinapansin si Aisha at hanggang ngayon, iniiwasan ko siya. Ayaw ko lang kasing mahirapan si Nixon. Kahit naman ganun yun, kaibigan ko pa din siya. 

Pero ang hirap pala iwasan yung taong naging malapit na sayo. Siya pa mandin ang bestfriend ko. Hindi ko man masabi pero namimiss ko na siya. Yung kulitan naming dalawa, yung pagtuturo niya sa akin sa mga assignments ko, Ahh. Namimiss ko na talaga siya.

Siya pa din naman ang first love ko kahit na papaano.

"Iniisip mo siya?"

"Nandito ka pala Nixon." Umupo ito sa tabi ko sabay abot sa akin ng mineral water.

"Kanina pa ako dito pero hindi mo ako napansin. You're thinking about Aisha aren't you?"

Napatingin ako sa kaniya. Hindi na ito nahihirapan na banggitin ang pangalan ni Aisha. Okay na kaya ito?

"I'm okay. You don't need to worry about me. Bestfriend mo siya kaya alam kong nahihirapan kang iwasan siya. In the first place, hindi mo naman siya kailangang iwasan."

Napasimangot ako, "Binasa mo ba ang isip ko? Paano mo nalaman ang laman ng utak ko?"

"Basang-basa kaya sa itsura mo." Tumawa pa ito.

"Hindi ka magagalit kung makikipaglapit ulit ako sa kaniya?" Tanong ko. 

Nilingon niya ako at ngumiti ito, "No."

"Mahal mo pa din ba siya?" 

Tumahimik ito. Napatahimik na din ako. Baliw talaga ako. Bakit ko ba tinanong ang bagay na yun? 

"Yeah. I'd still love her. Parang ikaw, mahal mo pa din siya diba? Baliw ka kasi. Nagsisimula pa lang ang laban sumuko ka na kaagad."

Umiwas naman ako ng tingin. Paano niya nalaman yun? Argh. Tss. "Ayoko kasing mas maguluhan pa si Aisha. Nang nagbakasyon tayo nun, nakita kong iba ang tingin niya sa inyong dalawa ni Denver. Kaya sumuko na lang ako. Alam ko naman na kahit anong gawin ko, hindi ako ang pipiliin niya kasi hindi naman natuturuan ang puso e kusang tumitibok yun."

Tumingin ako sa kaniya at nagulat nang makita itong malungkot, "Uy huwag mong seryosohin yung mga sinabi ko haha." Napakamot ako sa ulo ko. Ang daldal ko kasi.

"It's okay. But I'm not giving up."

"Anong ibig mong sabihin?"

"I still want her to be with me. I will wait for her until she realize that I'm the one for her." Tinapik niya ako sa balikat saka ito tumayo, "Alis na ako. May therapy pa akong kailangang puntahan." 

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon