Seven*

5.3K 56 16
                                    

Seven*


AISHA's POV

Arhmm.. Inaantok na ako. Nakatulog naman ako nang maayos kagabi pero bakit inaantok pa rin ako? Dahil ba yun sa teacher namin na hindi naman namin naiintindihan kung anong tinuturo o dahil sa talagang inaantok ako? HAHA. Baliw na ako.

*YAWN*

Tumingin na lang ako sa labas. Tanaw na tanaw ko ang magandang hardin ng M Academy. May mga estudyante din noon. Gusto kong pumunta doon pero wala akong kasama. Si Tristan, may trabaho pagkatapos nang klase niya. Alangan naman yayain ko si Nixon e hindi naman kami close diba? Si Tristan pa nga lang yung laging kumakausap sa akin e.

Masarap talaga magkaroon ng isang kaibigan. Though ilang araw pa lang naman kaming magkakilala, feeling ko ang tagal na.

"Waaahhh! Ang gwapo niya talaga!"

"Supeeeeer! My gosh!"

"OH-EEEEM-GEE!"

Napatakip ako nang tenga nang magtilian ang mga kaklase ko. Tumingin ako sa harap. Nagtama ang paningin namin. Ngumiti siya.. ay hindi pala. NGUMISI SIYA! At sa akin siya nakatingin by that time, so ibig sabihin?? Peste  talaga yang lalaking yan.

"OH MY GOD! Ngumiti siya sa akin!"

"Anong sayo? Sa akin kaya!"

"Hoy! Huwag nga kayong assuming na dalawa! Sa akin siya ngumiti! Jeez!"

-____- Yung powerpuff girls poi yon. Jusko naman! Ngiti ba yun? Ngisi kaya yun? Kailan pa naging ngiti ang ngisi? Magkaibang-magkaiba kaya yun? At saka ano bang ginagawa nang mga yan dito sa classroom namin e may sarili naman silang classroom?

"Hello, freshman. We're here to—" Hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi niya. Sinalpak ko ang earphone sa tenga ko. Meron na pala akong bagong cellphone na pinadala sa akin nang daddy ko dahil hindi daw niya ako makontak. Well, tinanggal ko ang bagong-bagong sim card don, Pang sound trip na lang ito.

I'm scrolling through my cellphone for the 20th time today

I'm reading the text you sent me again

Though I memorized it anyway

Hayy. Senti mode lang ang peg? Sino ba naglagay nang mga kanta dito at puro pang senti? Wala man lang happy-happy? Malungkot na nga buhay ko, papalungkutin pa ba ako nang mga kanta na to? Hmp. Magdadownload ako nang mga happy songs mamaya.

It was afternoon in December

When it reminded you of the day

When we bumped into each other

But you didn't say hi cos I looked away

Naalala ko tuloy yung first kiss ko. Sino kaya ang lalaking maswerteng lalaking nakahalik sa akin? Wow ah! Kapal nang mukha niya! As in! Malaman ko lang talaga kung sino yung bwisit na humalik sa akin! Masusuntok yung mukha niya! Kinuha niya sa akin ang first kiss ko!

Cause it's 12:51 and I thought my feelings were gone

But I'm lying on my bed thinking of you again

And the moon shines so bright but I gotta dry these tears tonight

Cause you're moving on and I'm not that strong to hold—

"Aww." Napatingin ako sa walanghiyang humugot nang earphone ko sa isang tenga ko. Maang napatingin ako sa kaniya. ANONG KARAPATAN NG LALAKING ITO ANG ISTORBOHIN ANG PEACEFUL MIND KO? Wait? Did I just say peaceful mind? E wala nga akong kapeaceful-peaceful mind. ARGH. Whatever.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon