Sixty Three*

1K 32 12
                                    

Sixty Three*

DENVER's POV
Dalawang buwan nang nawawala si Aisha. Pagkatapos ng aksidente, bigla na lang lumabas ang katotohanan na magkapatid si Kuya Russel at Aisha. At hindi totoong daddy ni Aisha si Tito Austin. Aisha's biological father was my mother's childhood friend called 'Ross' who died because of an illness.

"Wala pa din kayong balita tungkol kay Aisha?" Vanessa ask.

Malungkot akong umiling. Ilang beses kong sinubukang kausapin ang lolo't Lola ni Aisha pero palagi nila akong tinataboy. Alam kong may alam sila kung nasaan si Kuya Russel at Aisha.

"Denver.. What if hindi talaga kayo para sa isa't isa ni Aisha?"

"Ano bang sinasabi mo Vanessa?" Litong sabi ko.

"Break na kayo. Bakit kung mag-alala ka sa kaniya parang kayo pa? Hindi mo siya pinaniwalaan na hindi siya nagcheat. Kung mahal mo siya dapat buong-buo yung trust mo sa kaniya."

"But I've still love her. Yeah, I doubt her but I've still love her. Hindi nagbago yun." Argh. Ang tanga ko kasi. Ni minsan, wala pang nakatalo sa akin kaya nang natalo ako ni Aisha. Nasaktan ang ego ko. Hindi ko matanggap na sa lahat ng makakatalo sa akin, yung babaeng mahal ko pa.

Hindi ko din akalaing masasaktan ko si Aisha ng ganun. Nangako pa naman ako na hindi ko siya sasaktan. Pero binigo ko siya. Naging makitid ang ulo ko at ang resulta, ang hiwalayan naming dalawa.

"Paano kung.. Paano kung pagbalik niya isang araw.. hindi ka na niya mahal?" Mahina lang ang pagkakasabi nito pero dinig na dinig ko yun at lumakas ang tibok ng puso ko.

"Then I will do everything in my power to make her mind again.." Oo. Gagawin ko lahat mahalin niya lang uli ako.

"You seriously love her.. Don't you? Na kahit ako yung kasama mo sa nakalipas na dalawang buwan, siya pa din ang hinahanap mo. Na kahit ako yung nakikita mo, siya pa din ang gusto mong makita."

Vanessa's sad face was staring through me. Ilang beses ko na bang napalungkot ang mukhang ito na wala nang ginawa kundi ang mahalin lang ang isang self centered na kagaya ko?

"Vanessa.."

"If only you would look at me the way you look at her.. If only I was her.." She cries. "But I was not her. I will never be her. Kahit anong gawin ko, siya at siya pa din talaga."

Lumapit ako sa kaniya. Pinunasan ko ang luha niya. "Vanessa you knew that I can't love you."

Tumayo na ito. "Bakit nga ba hindi mo ako minahal hah Denver?"

Bakit nga ba hindi kita minahal Vanessa?

TRISTAN' s POV
Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyari. Naaksidente si Aisha dahil niligtas niya ang kapatid niya na hindi niya pala totoong kapatid na si Ansherina.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon