Sixty Five*

983 32 6
                                    

Sixty Five*

NIXON's POV

Kalalabas ko lang ng hospital para sa weekly therapy ng kamay ko. Magtatatlong buwan nang wala sila Aisha at Kuya Russel. Christmas na sa susunod na linggo. Wala na din kaming pasok ngayon.

Pero kaming apat, Tristan, Edcel at Daryl.. Nasa Black dorm pa din kami. Umaasa na dadating silang dalawa. Umuwi din ng pilipinas sila Wilbert at Peejay. They are staying at Black dorm too.

"Nixon?"

"Denver." Ah. Oo nga pala. Sa kanila nga pala ang hospital na 'to. Task. I really hate this man.

"Pauwi ka na?"

"Yeah." I can't even act nicely to him. Naglakad na ako ulit. I don't care if I act rudely. He deserved that. He hurt Aisha.

"Hey.."

"May sasabihin ka pa ba? Nagmamadali kasi ako e." I said, giving him the cold shoulders.

"I know you hated me. Pero gusto ko lang malaman kung may balita na kayo kay Aisha."

The F*ck!

Naikuyom ko ang kamao ko at hindi ko napigilan isuntok iyon sa mukha niya. Natumba ito sa lakas ng pagkakasuntok ko. Ramdam ko ang sakit sa kamay ko. Kagagaling ko lang ng therapy at eto nga't pinansuntok ko pa. Gagaling pa kaya ang kamay ko?

"Alam mo ang g*go mo! T*rantado ka! Wala kang karapatan para malaman kung ano nang nangyayari kay Aisha kasi tinalikuran mo na siya!" Pinagtitinginan na kami ng mga tao at parating na din ang dalawang security ng hospital.

"Alam kong g*go ako. Sinaktan ko 'yung babaeng pinakamamahal ko. Nagsisisi na ako. I want to see her and tell her how sorry I am. And also how much I still love her.."

Sh*t!

Sh*t talaga!

"Sir Denver.. Ano pong nangyayari dito?" Sabi ng isang gwardyang lumapit sa amin. 'Yung isa naman ay tinulungang tumayo si Denver.

"It's okay." Sabi naman ni Denver habang pinupunasan nito ang labi nitongpumutok dahil sa pagkakasuntok ko.

"Pero sir.."

"I'm okay. Hindi niya sinasadya."

I smirk. "Hindi ko sinasadya 'yun.." Tinignan ko siya. "Pero eto sinasadya ko." At sinuntok ko siya ulit. Nang susuntukin ko na naman siya ay pinigilan na ako ng nga guards.

"Sir.. Ano po bang problema niyo?" Tanong sa akin ng isang guard.

"What's happening here-" Si Diana. Ang ina ni Denver. "Oh my God! Denver my son." Tinignan niya ako. "You! What have you've done to my son!?" Galit na galit nitong sabi.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon