Thirty Five*

3.3K 48 6
                                    

Thirty Five*

RAQUEL’s POV

Dumating na kami sa Private Resort nila Peejay. Sa totoo lang, hindi naman dapat kami kasali sa bakasyon na ito. Nagkataon lang na nandun kami nang  yayain si Denver ni Kuya Russel o yung landlord nang black dorm.

I’m hopeless.

Sino bang tanga ang sasama kung ang makikita niya ay ang babaeng mahal ng minamahal niya!? ARGH! Nagets niyo ba? Tss. Mas masakit pa to sa dysmenorrhea! Nakakainis! Bakit kasi sinabi niya pa na mahal niya yang Aisha na yan!? Ano bang nakita niya sa babaeng yan?

 

 

 

Flashback*

Nilapitan ko si Edcel na nakaupo sa upuan nito. Gusto ko kasing aminin na ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi yung tinatago ko na lang. Mahirap kasi. Ayoko nang maging duwag pa sa nararamdaman ko.

 

 

Tinawag ko ang pangalan niya pero parang masyado siyang occupied sa kung ano man ang iniisip niya kaya hinawakan ko na ang braso niya para tapikin ito.

 

 

“What?” He said with sour expression.

 

 

“Ahm.. Kasi..” Lagi na lang ba akong mauutal pag kaharap kita? ARGH! Ayoko na nang ganito. Lagi na lang akong kinakabahan pag kausap na kita. “May gusto sana akong sabihin sayo.” Luminga-linga ako. Mabuti na lang kaming dalawa na lang dito sa classroom. Wala na yung mga kaklase namin.

 

 

“You’re going to confess at me right?” He said bluntly without looking at me. He was busy putting his things in his bag.

 

 

“K.. a.. ka.. kasi..” Hindi ko malaman ang sasabihin ko.

 

 

He looks at me. “I know you like me. Or do you love me?” Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa kaniya. “I’m sorry but I’m inlove with someone else. I’m inlove with my fiancée.”

 

 

Napahawak ako sa palda ko. Parang hindi ako makahinga nang mga sandaling yun. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Pakiramdam ko, sumugod ako sa isang laban at agad namatay nang walang kalaban-laban.

 

 

“I’m sorry.” Tumayo na ito at umalis na.

 

 

Pero ako, nanatiling nakatayo doon habang pumapatak ang mga luha. Inunahan niya na ako sa pagsasabi nang nararamdaman ko. Ganun na ba ako kahalata at alam niyang mahal ko siya? Pero bakit naman ganun? Hinintay niya muna ang sasabihin ko. Hinintay niya muna sana na sabihin ko ang lahat nang nandito sa puso ko. Sana hinintay niyang sabihin ko kung anong nagustuhan ko sa kaniya at minahal ko siya nang ganito.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon