Twenty Two*

4.6K 52 21
  • Dedicated kay All HTNLB LOVERS AND READERS
                                    

Twenty Two*

 

ALHONIE’s POV

“Did you saw what she did a while ago? ARGH! She’s really getting on my nerves! Ang kapal nang mukha niya! Pasalamat nga siya, siya ang tunay na apo! Jeez! That Aisha! I really hate her!!” Inis na inis na sabi ni Ansherina habang palakad lakad sa kwarto ko.

“Will you just stop it?” Naiinis ko na ring wika sa kaniya. Ilan beses ko nang sinabi sa kaniya na wala siyang karapatan para magalit kay Aisha dahil walang kasalanan ito. Pero nagbibingingihan ito, katulad ni Mommy.

“WHAT?”

“ARGH!” Natampal ko ang noo ko. “Walang kasalanan si Aisha kung siya ang naging bunga nang kasalanan ni daddy. At hindi ka ba natutuwa na mayron tayong maginhawang buhay dahil sa mga Asuncion?” Kung wala lang sa last will testament nang mommy ni Aisha na Si Janice Asuncion ay hindi kami titira dito. Mananatili kaming mahirap at walang-wala.

“I don’t care. At saka kasalanan naman ng bruha niyang nanay yun. Kung hindi niya nilandi si Daddy, hindi sana tayo iiwan ni daddy noon!”

Kailan ba ako maiintindihan neto? “Ansherina! Will you listen to me? If Janice didn’t seduce our father, we will not be here. At isa pa, si daddy naman ang may kasalanan. Pinatulan niya si Janice.”

Naningkit ang mata nito. “NO! Walang kasalanan si daddy! Inakit siya e.”

“Kung mahal talaga tayo ni daddy, kahit may maghubad sa harap niya, hindi niya yun papatulan. Meron naman siyang isip e. Alam niya ang tama at mali pero pinatulan niya pa rin e. Kaya wag mo nang sisihin si Aisha. Masyado nang magulo at malungkot ang buhay niya. We were so harsh and mean to her and we didn’t even think about her feelings. She still our little sister..” mahabang litanya ko sa kaniya.

“And you don’t know about my feelings too kuya! Okay lang naman sa akin na mahirap tayo e. Na wala lahat nang karangyaan na to. Basta sama-sama tayo.. basta kumpleto tayo. Pero nang ipanganak yang Aisha na yan, nawala si daddy. Iniwan niya tayo. Ilang taon tayong nagdusa kuya! Kulang pa nga to e. I don’t care if I’m harsh to her, bagay lang sa kaniya yan. And oh, I don’t think as her as my little sister. She does not belong in my family. She will never be.” Isang masamang tingin lang ang ipinukol niya sa akin bago nagdadabog na lumabas nang kwarto ko.

I sigh. Hindi niya talaga maiintindihan ang punto ko hangga’t may galit sa loob ng puso niya. Ganun din naman ako nung una. Hindi ko nga gustong pumunta sa bahay na to dahil sa galit ko kay daddy. Bakit kailangang ipagpalit niya kami? Bakit kailangang iwan niya kami? Pero nang makita ko si Aisha for the first time, kung paano siya tumingin kay daddy.. Naramdaman kong kailangan ko nang patawarin si daddy.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon