Thirty Two*

3.4K 56 13
                                    

Thirty Two*

TRISTAN’s POV

Nag-unat ako nang kamay. Kanina pa kami nandito sa sala pero hindi pa din lumalabas si Aisha. Wala din si Wilbert. Pagkatapos namin umuwi kagabi ay nagpaalam na ito na matutulog. Ano na kayang nangyari dun?

“O guys? Bakit parang wala pang naliligo sa inyo? Akala ko ba pagkatapos niyong magsimba, pupunta kayo sa park? Hmm. Hinihintay niyo ba ako? Sorry pero hindi ako makakasama.” Si Kuya Russel.

“Were waiting for Aisha.” Sabi ni Nixon.

“Huh? Kasama niyo ba si Aisha? Hindi siya makakasama ngayon. She’s sick. Mataas ang lagnat niya kagabi pa.”

“HA?” Kaming lahat. Lahat kami walang alam.

Napakamot naman nang ulo si Kuya Russel.

Dumating si Wilbert. Kapansin-pansin ang mga mata nitong nangingitim, marahil ay hindi nakatulog kagabi. May dala din itong supot galing sa mercury drug.

“Anong ginagawa niyong lahat dyan?” Tanong nito sa amin. “Is Aisha still sleeping?” Tanong naman nito kay Kuya Russel.

“Ah. Last time I check her, she’s still sleeping.”

“Sige. Puntahan ko lang siya. paiinumin ko pa siya nang gamot.” Sabi nito at dere-deretso sa kwarto ni Aisha.

“What’s with his eyes?” Tanong ni Peejay.

“Ah. Siya kasi nag-alaga kay Aisha buong gabi. Ang bait talaga ni Wilbert. Hmm. Too bad he’s not inlove with Aisha right now.” Sabi nito at pagkatapos ay pumunta na sa kusina.

Nagkatinginan naman kami.

Tumayo si Peejay. “Don’t worry, He wouldn’t fall in love with Aisha.” Pagkatapos ay umalis na din ito.

“I don’t see him as a threat.” Si Edcel tapos tumingin siya sa amin ni Nixon. “And I don’t see you too as a threat too.”

“Anong sabi mo!!?” Tanong ko agad. NAKAKAINIS! LUMALABAS ANG TUNAY NIYANG KULAY -___-

“Hey Edcel.” Si Daryl.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon