Fifty Eight *

1.2K 28 6
                                    

FiftyEight*

DENVER's POV
"Are you okay?" Tanong sa akin ni Vanessa habang nagliligpit kami ng mga gamit namin. Katatapos lang ng meeting namin for the second grading.

"Ah yeah." No. I'm not okay. I'm just at lost at the moment. Hindi ko talaga akalaing matatalo ako ni Aisha. Yeah, I'm happy for her but at the same time, I envy her. No, envy is not the right term. I was insecure! I was damn insecure!

Hindi ko dapat maramdaman ito pero yun yung nararamdaman ko. I have been always the number 1. Ngayon lang may nakatalo sa akin at tatlong puntos pa ang lamang niya sa akin. Hindi matanggap ng pride ko lalo na at girlfriend ko pa ang nakatalo sa akin.

"You're not okay. Kilala kita Denver. Hindi mo matatago sa akin na hindi ka apektado sa ranking. Jeez. Simula kindergarten, ikaw na ang rank 1 kaya alam kong nashock ka talaga." Sabi nito sa akin.

Napangiti naman ako. "Tck. I've been found out."

Napabuntong hininga siya. "Denver, Bawi ka sa susunod okay. I want you to be always the number 1. Dahil kung hindi yun mangyayari.. hindi ka papayagan ng daddy mo na kumuha ng business course."

Napaupo ako. "Yeah. I know. Thanks for comforting me."

"I'm always be here for you. You know that.." Sabi nito sa mahinang tinig.

Tinignan ko siya. Noon pa man, sinusuportahan na ako no Vanessa. Lagi siyang nasa tabi ko. Dahil masyado kaming close, hindi ko tuloy napansin na mahal na pala niya ako. At nasaktan ko pa tuloy siya.

"I'm really grateful to have you as my friend Vanessa. But its really time that you'd forget all about me. I can return your feelings and I don't want you to be hurt anymore because of me." I sincerely said.

Umiling ito. "I'm okay. Really okay. I'm sorry din if I push my feelings for you. Alam ko naman na hindi mo masusuklian yung feelings ko pero sana huwag mong hilingin na kalimutan kita kasi hindi ko pa kaya.." Nagsimula nang pumatak ang mga luhang yun sa mata niya.

Tumayo ako para punasan yun. "Don't cry. I'm sorry."

"I'm okay. Thank you."

Nginitian ko siya. Maya-maya lang din ay nagpaalam na itong aalis. May klase pa kami ngayong hapon kaya kailangan ko na ding magmadali.

Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay lumabas na din ako ng office. Lakad takbo na ang ginawa ko dahil male-late na ako sa klase.

Nakita ko si Aisha na nagmamadali na ding naglalakad nang makabangga nito ang isa sa mga teachers namin. Dahil sa lakas ng impact, natumba si Aisha at nalaglag ang mga gamit nito. Bukas kasi ang bag nito kaya naglaglag ang mga gamit sa loob.

Pupunta na sana ako sa kaniya para tulungan siya nang biglang galit na sumigaw yung teachers.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon