Fifteen*

5K 60 7
                                    

Fifteen*


AISHA's POV

Magtatatlong-araw na akong hindi pinapansin ni Tristan. Hindi ko alam ang dahilan pero umiiwas talaga siya sa akin. Hindi siya sumasabay kumain pag nandun ako. Ang aga niya ding pumasok at pag nasa school naman, hindi ko siya makita kasi sobrang busy niya o malamang, pinagtataguan niya ako. Katulad na lang kanina, nasa basketball court siya pero nang pagpunta ko dun, nasa CR na siya. Alangan naman na sundan ko pa doon diba?

Siya pa naman ang una kong kaibigan dito tapos ganito. Nakakasama ng feeling. Alam mo 'yun? Ni minsan hindi ko in-attach ang sarili ko sa mga taong nakakasalamuha ko. Sa kaniya pa lang at kay Kuya Russel. Para sa akin, pamilya na ang turing ko sa kanilang dalawa. Pero bakit naman ganyan? Ano na naman bang nagawa ko at iniiwasan niya ako?

Niyakap ko si Mr. Bear. Siya lang talaga kakampi sa mga ganitong pagkakataon.

Nakakalungkot. Bakit kung kailan umaasa ako na pwede akong magkaroon nang kaibigan, saka pa nawawala. Ganito na lang ba talaga lagi?

"Bakit noong nasa room ka ni Tristan, lagi kang masaya. Ngayong nandito ka na, lagi kang malungkot."

Tumabi siya sa akin. May hawak ulit itong gitara. Nagpra-practice ata siya e. Pero mas masaya sana kung kakanta siya diba?

"Hindi ka pa rin niya kinakausap?"

Malungkot na tumango ako. "May nagawa ba akong kasalanan?" I hate this question! I always ask it whenever someone ignores me, someone's angry at me or someone don't love me. MAY NAGAWA BA AKONG KASALANAN At lahat na lang pinapahirapan at sinasaktan ako?

He taps my shoulder then he smiles. "Just don't worry too much. Tristan's just like that. Lagi kasi nung iniisip na hindi siya karapat-dapat.. para maging kaibigan mo. Lalo na at mayaman ka, at mahirap lang siya."

"HAH!?" Nanlaki ang mata ko. 'YUN LANG ANG RASON NIYA!? Pero napangiti ako dahil doon. Meron din palang mga tao na iisipin muna na hindi sila karapat-dapat maging kaibigan ko dahil lang sa mayaman ako at mahirap sila. Nang bata kasi ako, dahil alam nilang mayaman ako.. Kinakaibigan nila ako.

"Such a silly boy, don't you think?"

Napangiti na ako. "Yeah." Tumayo ako. "Hihintayin ko siya sa baba. Mag-uusap kami." Pahakbang na ako nang isa nang bigla niyang hilahin ang braso ko na dahilan nang pagbagsak ko sa kaniya dahil sa nawalan ako nang panimbang. Mabuti na lang at nasalo niya ako.

Tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug

Tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug

Tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug

Tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug

Siya 'yung nasa ilalim ko at ako naman ang nasa ibabaw niya. Hawak hawak niya pa ang kamay ko. Tapos etong letseng puso ko na naman. Ang bilis nang tibok, akala mo nasa car race! Napalunok ako. Nakatingin lang din siya sa akin sa gulat na reaksyon. Hindi kami kumikilos at parang pinapakiramdaman namin ang isa't isa.

*Knock Knock* "Aisha, Are you there?"

Para akong natauhan nang marinig ko ang boses ni Kuya Russel. Agad akong umalis sa ibabaw niya. "Y-yeah. I'm.. I'm here kuya Russel.." Nauutal ko pang sabi. Hindi ako makatingin nang deretso kay Nixon. Pakiramdam ko, nakagawa ako nang malaking kasalanan.

"Sige. Nasa baba si Tristan."

"Sige po Kuya. Bababa na ako."

Hanggang sa nakarinig kami nang mga yabag na papaalis. Nagkatinginan kami ulit ni Nixon pero agad akong umiwas.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon