Sixty Six*

1K 28 14
                                    

Sixty Six*

RUSSEL's POV

Pumunta kami sa kwartong ginagamit ko. Merong munting sala doon. Umupo kami. Kitang-kita ko ang pagkalito sa mukha ni Nixon na hindi ko inaasahang makakahuli sa pagtatagong ginagawa ko.

Hindi ko naman kasi akalain na pupunta siya sa mansion na ito, kung saan lumaki si Aisha. Pumunta kami dito nang malaman kong umalis na ang mag-anak na Castillo. Alam kong hindi na sila babalik dahil nga sa nangyari. It's been almost three months.

"So what's really happened?" Walang paligoy-ligoy na tanong ni Nixon.

"I will tell you the story. So listen carefully." Sabi ko at huminga ng malalim bago ko ikwinento sa kaniya kung ano talagang nangyari.

*Flashback..

Tinawagan ako ni Alhonie at nagpapanic ito sa telepono. Wala ang mga estudyante sa black dorm dahil umuwi silang lahat sa kani-kanilang bahay. Halos mabitawan ko ang cellphone ko nang marinig ko ang balita. Agad akong tumakbo palabas sa black dorm. Ni hindi ako nag-abalang magsuot ng tsinelas at magsuot ng maayos na damit.

Nakarating ako sa hospital kaagad. Nadatnan ko sila doon sa labas ng emergency room. Nakita ko ang dugo sa damit ni Ansherina at Austin.

"Si Aisha.. Kamusta si Aisha?" Nanginginig ang mga kamay na tanong ko.

"H-hindi namin alam.." Si Austin ang sumagot.

Naikuyom ko ang palad ko at nilapitan ang dalawang matandang nakaupo doon.

"Kasalanan niyo 'to!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. "Kung binigay niyo sa akin ang kapatid ko, hindi mangyayari ang lahat ng ito!" Sabi ko at wala na akong pakialam kung marinig nila mula sa akin na kapatid ko si Aisha. 'Yun naman ang totoo e. Kapatid ko si Aisha! Kapatid ko siya sa ama.

"Kuya Russel.." Si Alhonie.

"Tama na 'yan Russel. At saka alam na namin ang buong katotohanan."

Nagsalin-salin ang tingin ko sa kanila.

"A-alam na ba ito ni Aisha?"

Marahang tumango ang dalawang matanda. Hindi na ako nagsalita pa at umupo na lang. Malayo sa kanila. Ilang oras din ang lumipas bago lumabas ang doktor.

Agad na tumayo ang dalawang matanda at sinalubong ito.

"Ang apo ko.. Okay na ba ang apo ko?" Si Dona Janina na umiiyak habang hawak-hawak ang kamay ng asawa.

"She's now okay. Mabuti na lamang at naisugod siya kaagad sa hospital. Nagtamo lang siya ng mga sugat sa kaniyang katawan at ulo pero h'wag kayong mag-alala. Hindi naman ito grabe. Maya-maya lang ay magigising na siya."

"Salamat sa Diyos." Hikbi ni Doña Janina.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon