Twenty Four*

4.6K 54 15
                                    

A/N: SORRY PO. Ang tagal kong hindi nag-update. HEHE. Busy po sa Pre-defense namin pero ngayon okay na. Tapos minsan, tinatamad ako. HAHA. Huwag kayong magalit XDD Ayan. Mahaba to. OO, mahaba yan. Para sa inyong mga readers ko na walang sawang nagbabasa neto at lalo na sa mga nagcocomments :*

Gue. Basa na XDD

Twenty Four*

AISHA’s POV

Panglimang araw ko na to sa hospital na to. Akala nila hindi pa rin ako gumigising. Mabuti na lang talaga at walang CCTV sa loob ng room na to dahil kung nagkataon, matagal na nilang malalaman na nagkamalay-tao na ako. Para nga akong Vampira e, Gising sa gabi, tulog sa umaga para lang hindi nila mahalata ang ginawa ko.

Pero nakakalungkot pala ang ganito. Yung tipong wala akong makausap at makasama. Kahit si Mr. Bear na lang sana pero kahit siya wala. Mag-isa lang ako sa kwartong to. Nag-iisa lang ako.

Akala ko magbabago ang lahat kasi nabuhay ako. Diba ganun naman yun? Binigyan ka nang pag-asa para mabuhay ulit para ayusin ang buhay mo, para magbago ang lahat. Pero hindi. Walang nagbago, katulad pa din nang dati. I’m still lonely. I’d still feel that worthless, that I’m just nothing. Ganito na lang ba habangbuhay?

Tumayo ako. Napatingin ako sa dextrose na nakasaksak pa sa kaliwang kamay ko. Dadalhin ko na naman ba to para lang pumunta sa banyo? Ang hirap kaya. ARGH. Tinanggal ko na lang ang karayom na nakatusok sa kamay ko. Medyo masakit. Dumudugo nga e. Pero wala na akong pakialam. Maliit na sugat lang yun kumpara sa malalim na sugat sa puso ko. Pumunta na ako sa banyo. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin. Mukha na akong bangkay sa sobrang putla nang mukha ko. Ang payat ko na nga, pumayat pa ako.

Ilang araw na din palang walang laman ang sikmura ko.

Naghugas na lang ako ng mukha at nang kamay kong may dugo. Lumabas na ako ng banyo. Tumingin ako sa wall clock, 9:38 palang nang gabi.

Minabuti kong lumabas na lang ng kwarto ko pero dahan-dahan dahil ayaw kong may makakita sa akin. Baka kasi hindi nila ako palabasin at pabalikin lang nila ako sa malamig na kwarto na yun. Pupunta na lang ako sa garden ng hospital na ito. Narinig ko kasi sa mga nurses na maganda daw dun, may fountain pa.

Naglalakad na ako sa hallway nang may makita akong nurse na paparating. Agad akong nagtago sa likod ng taong nauna sa akin para hindi ako mapansin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang nakalagpas na yung nurse. Pagkatapos ay nagtanong ako sa mamang pinagtaguan ko kung saan ang daan papunta sa garden, sinabi niya naman sa akin ng walang pag-aalinlangan.

Dumiretso na ako sa garden. Maraming ilaw sa garden kaya naman maraming pasyente ang nandun kahit gabi na. Marahil ay nagpapahangin o kaya naman ay gusto lang makipagkwentuhan. Puwesto ako sa lilim ng isang punong mangga at umupo sa damuhan. Malamig ang simoy ng hangin, ang sarap damhin.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon