Four*

5.7K 56 4
                                    

Four*


AISHA's POV

Hindi ko na alam ang gagawin ko? Ano ba tong gagawin ko? Naiinis na ako sa sarili ko? Eto ba ang tamang gagawin ko? Ay asar namang gagawin yan! Psh!

-____- Hindi ako makatulog!

Bakit kasi kailangan pang may kasama akong matulog sa isang kwarto? At si Kuya Russel pa! Naku naman! At bakit kailangan niya pang tanggaling yung shirt niya pag matutulog kami? Oo na, nasa sofa siya pero naman! Kitang-kita ko siya. Kitang-kita ko yung censored niyang abs! may gulay! Bata pa ako! Jusko po!

Nagkakasala na ang mga mata ko neto kaya lalabas muna ako.

Maingat akong bumaba nang kama. Ayokong makarinig siya nang kahit isang kaluskos at baka magising ito nang tuluyan. Ayaw kong maka-istorbo.

Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas ako ng kwartong iyon. Pero ang dilim pala. Wala bang flashlight? Hay naku naman! Nasa bag ko ang flashlight ko. Wala naman akong cellphone. Ay sige. Sanayan lang ito sa dilim.

Pero hindi na kinaya nang mata ko kaya ayan, sinindi ko na ang ilaw. Walang tao. Malamang. Tulog na kaya sila. Hating gabi na kaya! Alangan naman na gising pa sila diba? Psh! Pagalitan ba naman ang sarili? Hay! Naloloka na ata ako.

Nakakainis naman kasi si antok e. Nilayasan ako. Kung kailan naman siya kailangan, saka siya umaalis? San kaya siya naroroon? Ay. Ang drama ko -___-

Hanggang sa makalabas na ako nang black dorm. Mabuti na lang at maliwanag ang kapaligiran, thanks to the bright full moon. Naglakad-lakad ako. Ewan ko ba kung bakit hindi ako natatakot na maglakad gayung hating gabi na tapos kakahuyan pa ito. Basta, I felt secured.

Medyo nangunot ang noo ko nang makitang may isang kubo doon. Yeah. Kubo nga. Teka? Anong ginagawa nang kubo na ito in the middle of the forest diba? Parang ako lang pala, anong ginagawa ko dito?

Lumapit na lang ako sa kubo na iyon. Hindi siya kalakihan. Parang pahingahan lang. Pero nakakapagtaka, bakit iisa lang ito? Hindi ba dapat madami? Para pahingahan nang mga students? Ay! Baka sa mga naliligaw lang?

Pumasok ako sa loob. Mas lalo kong naramdaman ang lamig na simoy nang hangin. Huminga ako nang malalim. Ang sarap nang simoy nang hangin. I feel at ease. Ang sarap sa pakiramdam.

Napi-feel ko na rin na bumabalik na si antok. Dito ko lang pala siya mahahanap..

"What are you doing here!?"

"HAH?" bigla akong napatayo.

"Bingi ka ba? I said, what are you doing here?" Ang sungit nang pagkakatingin nito sa akin. Kung naging babae lang ito, iisipin niya na nasa menopausal stage ito sa sobrang sungit. Kagaya nang first and second meeting nila,  para itong galit sa kaniya na hindi niya maintindihan.

"Hindi ka lang pala tanga, Naging pipi ka na rin.." Sabi pa nito.

-___- Ang ganda na sana nang gabi ko kung hindi ko siya nakita. Sana pala hindi na lang ako umalis sa kwarto na kung saan yummy pa ang nakikita ko, Ngayon kasi.. MONSTER ang nakikita ko. Isang napakalaking masungit na monster! Bakit kaya sa M academy pa ito nag-aral? Pwede namang sa Monster Academy? Wait? Ano nga ba ang meaning ng M? Monster ata? Lahh?

"Hindi ka pa rin ba magsasalita? Hm.. Like what you did a while ago?" siguro ang sinasabi nito ay ang pagsagot niya dito kanina.

Huminga siya nang malalim. Masyado nang gabi para pahabain niya pa ang usapan nila. Kahit iritang-irita na siya dito, at kahit pa gustong-gusto niya itong bulyawan.. wala na siyang lakas. Gusto niya nang matulog kaya uuwi na lang siya.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon