Thirty Five* (part 2)

3.2K 48 20
                                    

Thirty Five* (part 2)

AISHA’s POV

“Halika nga dito. Turuan na kitang lumangoy.” Kinuha ulit ni Nixon ang kamay ko. Dahil gusto ko talagang matutong lumangoy. Sumama na lang ako sa kaniya.

Nakarating kami sa pool. Inilublob ko muna ang paa ko para tignan kung malamig ang tubig. Buti na lang hindi. Hehe.

“Halika na.” Binuhat ako ni Nixon.

“Oy Nixon! Baba mo ako. Grabe naman to. Baka mahulog ako. Oy Nixon!”

Pero sa halip na bitawan. Tumawa lang ito at lumusong na sa swimming pool. Naramdaman ko na tuloy yung tubig. Napatingin ako sa damit ko. Wala na. Basa na. Loko naman kasi to. Hindi man lang pinahubad sa akin. Bawal pa naman ata yung nakashort at naka-shirt dito.

“Aisha, even though you’re my princess.. Pagbabawalan pa rin kita na magshirt at magshort sa swimming pool. Bawal kasi yan.” Sabi ni Peejay. Kadadating lang nito kasama si Raquel at Vanessa. At naka-swimsuit sila.

Pinalo ko si Nixon na tumatawa pa rin. “Kasi naman e. Ayan.. nabasa na nga damit ko, napagalitan pa ako. Ikaw kasi.” Sabi ko. 4 ft lang ata tong swimming pool kaya kinaya kong makapunta sa may hagdanan. Susyal tong pool e may hagdanan.

Tinanggal ko ang tshirt ko at ang short ko. Doon mismo. Bakit pa ako pupunta nang Comfort room e basa na din naman tong damit ko. Tss. Si Nixon kasi. At saka nakaswimsuit na ako e. ehehe.

“Woah. Sexy!” Si Tristan.

“Alluring.” Si Edcel.

>///////< AYAN! Nagblablush tuloy ako. Kainis naman tong mga to oh! I’m not sexy! I’m thin. I’m not even attractive! Ewan ko ba sa mga yan kung bakit sila nagkagusto sa akin. Hay. Epekto ata to nang lagi nila akong nakikita.

“Halika na.” Ayan! Binuhat na naman ako nang Nixon na to! Hindi na nadala. Kinurot ko nga nang nasa tubig na kami kaya nabitawan niya ako. Pero agad akong napakapit sa kaniya nang maramdaman kong hindi ko abot yung floor. 6 ft na pala.

“HAHA. Kaya huwag ka nang bibitaw. Ikaw kasi. Doon na nga tayo sa 4 ft para maturuan na kitang lumangoy. HEHE.”

Tapos pumunta na nga kami dun at sinimulan niya na akong turuan.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon