Thirty Nine*

2.8K 43 10
                                    

Thirty Nine*

 

AISHA’s POV

Awww. Nakakatuwang pagmasdan sina Wilbert at Peejay! Ang sweeeeet nilang dalawa! Hindi ko talaga akalaing magiging sila. E kasi naman, hindi ko din inakalang bakla pala si Wilbert. Pero ayun nga, happy ending na silang dalawa. Ang nice diba?

Nakaka-inggit tuloy! >_<

Wait? Did I just say that I’m envy? NAMAN!? Ako naiinggit? Hindi no! Wala pa akong interes magmahal. Ang gulo na nga ng sitwasyon ko e! Apat na lalaki ba naman e! Nakakainis! Ano bang meron sa akin? Sabihin niyo nga?

“Grabe! Akalain mong bakla din si peejay?” Medyo hindi ding makapaniwalang sabi ni Tristan. Magkakasama kami dito sa palengke. Bibili ng pang-noche Buena mamayang hating gabi. Nauuna kasi sa amin sina Wilbert at Peejay na hindi nahihiya sa kasweetang ipinapakita nila.

Mabuti na lang at wala kaming naririnig na discrimination. Dahil kung meron man, ako mismo magtatanggol sa mga kaibigan ko!

“Ganun talaga pag nagmamahal.” Si Nixon.

“Yeah. Whatever.” Si Edcel.

“Aisha! Dito tayo!” Hinila ako ni Denver papunta dun sa shop ng mga teddy bears!

“Ano ba naman Denver! Huwag ka namang basta basta manghihila! Sakit kaya!” Sabi ko habang tinignan siya ng masama. Tumawa lang naman ito na parang wala lang.

“Halika na. Wag ka nang magreklamo!” Utos pa nito. Napasimangot ako. Kakainis lang. Tumingin-tingin kami ng teddy bears. Wala naman akong magustuhan dahil meron na akong teddy bear at nag-iisa lang siya sa buhay ko!

Aww! I miss you Mr. Bear! Sorry kung naiwan kita sa dorm :(

“May napili ka na?”

Umiling ako. “Wala e. They all look the same to me.”

Parang nalungkot naman ang ekspresyon nito. Teka? Kasalanan ko ba kung wala akong nagustuhan? Hmm. Pasensya naman. Ay! Nakakaguilty naman e. Hmm!

“Ahm, wala kasing unique e.” Yun na lang sinabi ko para maalis ang guilt na nararamdaman ko. Ay naku! Bakit kasi kailangan maging malungkot ng expression niya e! pwede namang hindi e!

“Ah.” Lumiwanag naman ang mukha nito. “Meron ata akong nakitang unique. Halika dali!” Hinila na naman niya ang kamay ko. Naku naman e. Nasa sulok na ata kami netong shop e.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon