Nine*

5.3K 54 5
                                    

Nine*


AISHA's POV

Tapos na ang Election. Malalaman na namin kung anong resulta nang botohan ngayong araw. Pero may pasok na kami. Medyo inaantok nga lang ako dahil nagkwentuhan kami ni Tristan. Kung ano-ano lang naman ang pinag-usapan namin. Mas marami nga siyang nakwento sa akin..

Ano nga naman ang ikwekwento ko sa kaniya?

Hindi masaya ang childhood ko.

Wala akong natatandaan na happy memories.

Nakakainggit nga siya e. Kahit hindi siya mayaman. Okay lang siya. Nagagawa niyang maging masaya. Nagagawa niyang tumawa kahit may problema siya. At masaya akong nakilala ko ang tulad niya.

"Uy, nakangiti na si Aisha."

Napakamot ako nang ulo. Nahuli kasi ako e.

"Ikaw talaga Tristan. Sige na. Pasok ka na sa room mo." Mauuna kasi ang room niya kasya room ko. Nagbabye na ito at pumasok na sa room nito. Hindi namin kasabay si Nixon. Baka pumasok ito nang maaga.

Papasok na ako sa room ko nang nalaglag ang sketch pad ko. Pinulot ko ito nang..

*Boooooooogs!*

"Araaaay." Napahawak ako sa noo ko. Ang aga pa para mabunggo ako. Wala bang pinipiling araw ang kamalasan ko? Sakit ee.

"Heh. Talaga bang lagi na lang kitang mababangga?"

Talas pa lang nang bibig nito. Alam na alam ko na kung sino siya. ARGH! Maganda na mood ko kanina tapos sisirain niya? Ano ba talaga? Tinignan ko siya nang blanking ekspresyon. Mabuti na lang at magaling akong magpokerface.

"What? Nagwagwapuhan ka sa akin no?"

Spell Mahangin? D-E-N-V-E-R! Wait. Yun ba ang pangalan niya? Tama ba ako? AH! Basta! Mahangin siya. Akala mo kung sinong gwapo! Aanhin mo naman ang gwapo kung nakakasuka naman ang pag-uugali.

"Mr. President. Halika na sa room naten." Biglang sabi nang isang magandang babae na mahaba at kulot ang buhok mula sa likuran nito.

"Mr. President?" Bulong ko.

"Yeah. Hindi mo ba alam na dalawa lang ang bumoto sa kalaban ko? Nakakapagtaka na nakakuha pa siya nang two votes." Sabi nito na narinig ang bulong niya. Katalas lang nang pandinig.

At nakakainis! Bakit siya nanalo? Bulag ba ang mga bumoto dito? Wala naman itong kakayahan para pamunuan ang student council. Psh.

"K." Yun lang ang sinabi ko at nilagpasan na siya. Gusto ko nang pumunta sa  loob ng classroom ko dahil pinagtitinginan na naman kami. Lalo na yung powerpuff mean girls! Mamaya kung ano-ano na naman ang sasabihin nila sa akin. Maiingayan na naman ako.

"Wait!" Hinawakan niya ang braso ko.

Pero tinabig ko yun. Wala siyang karapatan hawakan ang braso ko. "Hindi ko alam kung anong gusto mong palabasin. But I just want to tell you something. I don't care if you're the president now. Dahil unang-una, wala naman akong pakialam sayo. At pangalawa, hindi ako nagwagwapuhan sayo. And lastly, don't touch me. We're not close." Pagkatapos ay pumasok na ako sa room. Umupo sa upuan ko at tumingin sa bintana.

"Ang kapal naman nang mukha niya para sabihin yun kay Prince Denver!"

"Oo nga. Tss."

"Ang yabang niya!"

Nilingon ko sila. "Sa susunod naman na magbubulungan kayo tungkol sa akin. Mag-microphone kayo. Para naman marinig din nang iba diba? Nakakahiya naman kasi sa inyo kung magbubulungan lang kayo." I flash them my Nakakaasar na smile. Then flip my hair at muling tinignan ang garden.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon