Twenty Seven*

4.3K 59 10
                                    

Twenty Seven*

AISHA’s POV

Kanina pa nakakunot ang noo ko pero wala namang pumapansin. Lahat sila mukhang oblivious na sa mga pinaggagawa nila. HELLO? Nandito ako oh! Ano bang nangyayari at walang pumapansin sa akin? Araw ba to nang walang pansinan? Lahat na sila kinausap ko pero wala ni isa mang gustong pansinin ako.

 

 

 

Flashback:

Hindi ko makuha yung tono sa gitara ko. Nilapitan ko si Nixon para magpaturo. Nagsusulat ito sa notebook nito nang kung ano.

 

“Nixon, pwede paturo naman nung part na to..” Pinakita ko sa kaniya yungpart na hindi ko makuha. “Hindi ko kasi makuha.. paano ba to?”

 

“Aisha, pwede mamaya na lang?” Sabi nito na hindi naman nakatingin sa akin. “Nagsusulat kasi ako e. O kay Tristan ka na lang magpaturo. Sige.”

 

Napakamot naman ako. Siguro nga, importante yung sinusulat niya. Pumunta na lang ako kay Tristan na nasa garden na nagbabasketball kahit wala naman ring.

 

“Tristan!” Tawag ko sa kaniya.

 

Tumigil ito pero hindi lumapit sa akin. “ANO?” Sigaw lang nito.

 

“Paturo naman neto..” Iniangat ko yung note at gitara.

 

“Mamaya na lang. nagprapractice pa ako. Ay hindi pala pwede mamaya, may trabaho ako. Sige.” At itinuloy na nito ang pagdridribble. Umalis akong bagsak ang balikat.

 

Kaya naisip kong mamaya ko na lang siya aaralin. Gagawin ko na lang yung  assignment ko sa science. At hindi ko siya makuha kahit na magaling ako sa math. Velocity kasi yun. Naguguluhan ako. Nakita ko si Edcel sa may sala, nagbabasa nang libro. Sa kaniya na lang ako magpapaturo dahil tapos niya naman na siguro to.

 

Lumapit ako kay Edcel. “Uy, pwede paturo neto?” Taas nang libro. “Hindi ko kasi siya makuha e.”

 

“Can’t you see I’m busy?” Nakakunot pa ang noo nito nang sinasabi yun.

 

“Ah.. sorry.” Tapos umalis na ako don. Pahiya ako e. AH. Puntahan ko na lang si Peejay sa kwarto niya. Sa kaniya na lang ako papaturo, alam ko naman na hindi niya ako tatanggihan. Pumunta na ako. Nang nasa harap na ako ng pinto ay kumatok ako.

 

“Peejay..”

 

Bumukas nang onti ang pinto. Papasok sana ako kasi nakabukas na pero biglang lumabas si Peejay. “May kailangan ka?” Tanong nito.

 

“Papaturo sana ako e.”

 

“Ahm. Wala kasi ako sa mood magturo e. At saka inaantok pa ako. Sa iba na lang. sige.”

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon