Sixty One*

1.2K 28 4
                                    

Sixty One*

[Fall before the true beginning..]

AISHA's POV
Hanggang ngayon, hindi ko pa din naiiintindihan ang mga sinabi ng mommy ni Denver. Hindi ko alam kung nagsisinungaling lang siya, gumagawa siya ng kwento para tuluyan na kaming maghiwalay ni Denver o nagsasabi talaga siya ng totoo.

Kung ano man sa mga iyon, hindi ko gusto. Sinisiraan niya ang mommy ko. Alam kong hindi ganung klase ng tao ang mommy ko.

"Aisha?"

"Lola.." Lumapit ako sa kaniya. Ilang linggo na din kasi akong hindi bumibisita kaya naisipan kong bisitahin na lang siya. Okay naman na kami e. Lovelife ko na lang talaga ang problema.

Bakit nga kaya ganun? Noong hindi pa ako okay sa pamilya ko, ang ganda ng takbo ng love life ko. Ngayon naman baliktad.

Dapat ba pag masaya ako, kailangang may isakripisyo ako? Hindi ba pwedeng makuha ko lahat?

Argh. Masama ba talagang maging selfish kahit ngayon lang..

"Lola.. May itatanong ako sa inyo." Habang naglalakad kami sa pasilyo.

"Hmn..?"

"Gusto ko lang itanong kung kilala niyo si Diana Aquino?"

My Lola face's became stiff. As if hearing a word that she don't want to talk about.

"Lola?"

"Ah, She's your boyfriend's mother right?"

"Yeah. Pero break na po kami Lola." Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Ilang buwan din na naging kami. "Magkaibigan ba sila ni mommy?"

"Bakit? May sinabi ba sayo si Diana? Mabuti naman at break na kayo, sa totoo lang. Hindi ko siya gusto para sayo. Mas gusto ko pa din si Edcel para sayo. He can be a very successful man in the future."

"Lola.." Bakit pakiramdam ko may itinatago siya sa akin. "May girlfriend na po si Edcel at saka magkaibigan lang talaga kami." Baka mabaliw ako pag yun ang naging boyfriend ko. Si Raquel lang talaga ang para sa kaniya.

"Iha.. Pagod na si Lola. Magpapahinga muna ako ah."

Tumango na lang ako at binigyan siya ng halik sa pisngi. Nang wala na ito ay naglakad-lakad ako. Napakalaki talaga ng mansyon na to kumpara sa bahay namin ngayon. Dito lumaki ang mommy ko. Pero nagkikita-kita pa kaya sila gayong tatatlo lang sila? O puro mga katulong na lang ang nakikita nila?

Sa totoo lang, if I were to be born again, I don't want to be rich. Moreover, I don't want to be a bastard. Gusto kong lumaki sa isang normal na pamilya. Yung anak ako ng dalawang taong nagmamahalan.

Napahinto ako ng makarating ako sa isang kwarto. May nakasulat sa pintuan na 'keep out'. Kung hindi ako nagkakamali, kwarto 'to ng mommy ko. Hindi pa ako nakakapasok dito dahil madalas na sa kwarto lang ako pag pumupunta ako dito.

Hanggang Tingin Na Lang Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon